Kadarating ko pa lamang sa Italya sa pamamagitan ng family reunification o ang ricongiungimento familiare at kasalukuyang naghihintay sa first issuance ng aking permit to stay. Maaari na ba akong magpatala sa anagrafe at mag-aplay ng residenza?
Nobyembre 3, 2016 – Sa pag-aaplay ng residenza sa Comune na kinasasakupan, ay karaniwang kailangan ang balidong permit to stay.
Ngunit mayroong mga pagkakataong ang mga non-EU nationals ay pinahihintulutang magpatala sa anagrafe bago ang releasing ng permit to stay.
Ang sinumang naghihintay ng renewal ng permit to stay ay maaaring mag-apaly ng residenza sa pamamagitan ng kopya ng expired permit to stay at ang resibo ng post office bilang katunayan ng renewal sa panahong itinakda ng batas (hanggang 60 araw mula sa expiration date nito).
Ito ay balido rin sa sinumang dumating sa Italya sa pamamagitan ng lavoro subordinato visa at pumirma na ng contratto di soggiorno o employment contract sa Sportello Unico per l’Immigrazione. Sa ganitong kaso ay kailangang ipakita rin ang pinirmahang kontrata at resibo ng post office na nagpapatunay ng request ng issuance ng permit to stay.
Samantala ang sinumang pumasok sa bansa sa pamamagitan ng family reunification o ricongiungimento familiare o nag-aplay ng coesione familiare ng isang miyembro ng pamilya ay maaaring mag-aplay ng residenza. Ang dokumento na kailangang isumite ay ang kopya ng ricongiungimento familiare visa, kopya ng nulla osta buhat sa Sportello Unico at ang resibo ng post office bilang patunay ng pagsusumite ng request ng releasing of permit to stay. Sa kaso ng coesione familiare, kailangan ring ilakip ang request para sa permesso di soggiorno per coesione familiare.
ni: Atty. Mascia Salvatore
isinalin sa tagalog ni: PGA
Basahin rin:
Iscrizione anagrafica, ano ito at bakit ito mahalaga
Pahintulot mula sa may-ari ng bahay, kailangan sa pagpapatala bilang residente?
Renewal ng residency kailangan din matapos ang renewal ng permit to stay
Pagpapalit ng residensya, ano ang proseso?