Sa panahon ng bakuna, maraming mga bagay ang tila normal lamang gawin ngunit nagiging sanhi ng katanungan at pangamba na nangangailangan ng paglilinaw mula sa mga eksperto. Halimbawa, dahil sa matinding init ng panahon, ang pagpunta ba sa dagat at pagbibilad sa araw o ang pag-inom ng beer matapos mabakunahan ay ipinagbabawal?
Narito ang FAQs
Maaari bang magpabakuna kung may lagnat o ubo?
Ang pagpapabakuna ay kailangang ipagpaliban kung may lagnat. Kung may ubo naman ay kailangang malaman ang posibleng sanhi nito upang maiwasang ito ay sintomas ng Covid19. Gayunpaman, ipinapayo na bago magpabakuna ay linawin sa eksperto at ipasuri sa duktor ang kundisyon ng kalusugan bago bakunahan. Sa katunayan, ay sinasagutan muna ang anamnestic form kung saan nasusulat ang mga katanungang ukol sa kalusugan, allergies at mga iniinom na gamot, kung mayroon man.
Maaari bang magpunta sa dagat o sa swimming pool at magpa-araw?
Ito ay madalas na katanungan ng marami, partikular ngayong summer season. Gayunpaman, ayon sa eksperto, kung walang anumang nararamdamang side effect ay walang dapat ipag-alala, kung nais magpunta sa dagat matapos ang bakuna. “Walang partikular na kontraindiksyon, kung walang mga lalabas na pangunahing side effects“, kumpirma ng dalubhasa. Ang mga bakuna ay hindi photosensitive. Kaya’t kung may maayos na pakiramdam ay posibleng pumunta sa dagat, sa pool at magpa-araw bagaman limitado at may proteksyon, para sa ikabubuti ng balat. Mga bagay na palaging ipinapayo kahit hindi babakunahan.
Maaari bang uminom ng alak bago at pagkatapos ng bakuna? Maaari bang mag-trabaho o mag-exercise o ang mapagod pagkatapos ng bakuna?
Ang kasagutan ay katulad ng nabanggit sa unang katanungan: Maaaring magpagod o magpapawis pagkatapos ng bakuna kung maayos ang pakiramdam ay walang nararamdamang side effects. Maaari ring uminom ng alak pagkatapos ng bakuna. “Walang partikular na kontraindiksyon – kumpirma ng eksperto – ngunit ang labis na alak ay palaging ipinagbabawal, kahit hindi babakunahan“.
Basahin din:
- Lagnat matapos ang bakuna AstraZeneca? Kailan dapat mabahala?
- Side effects ng Pfizer, narito ang mga dapat malaman