Hindi, ang sinumang nasa mandatory self-quarantine o fiduciary isolation ay HINDI maaaring lumabas ng bahay, kahit magtapon ng basura o maglabas ng aso. Ang anti-Covid19 preventive measures na ipinatutupad ay hindi nagbibigay ng anumang exemption.
Kahit pa negatibo sa swab test o asymptomatic kung positibo, mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng bahay ng mga nasa quarantine at isolation.
Sapat na ang ilang minuto sa labas ng bahay upang mapatawan ng multa at krimen, kahit pa suot ang mask at walang makakasalamuhang ibang tao.
Ang sinumang mahuhuli na nasa labas ng bahay at lumalabag sa tagubulin ng Asl ay maaaring multahan mula € 400,00 hanggang €1000.00 at maaari ring makasuhan ng “Delitti colposi contro la salute pubblica” (artikulo 452 ng Codice penale) tulad ng nasasaad sa Cura Italia.
Bukod dito, ang kapitbahay ay maaaring mag-report sa awtoridad ukol sa naging paglabag.
Mas makakabuting ipagkatiwala ang aso sa ibang tao at humingi ng pabor ng pagtatapon ng basura sa kapitbahay o kakilala.
Tandaan, makalipas ang 10 araw na quarantine ay maaari ng magpa-tampone o swab test. Kung ang resulta ay positibo, mananatili ulit sa isolation ng karagdagang 10 araw at pagkatapos ay uulitin ang tampone. Kung muling lalabas na positibo, ngunit wala ng sintomas, ay magtatapos ang isolation sa ika-21 araw. (PGA)