in

Maaari bang magtrabaho sa ibang bansa sa EU ang may permesso di soggiorno na inisyu sa Italy?

Ako Ay Pilipino

Ang permesso di soggiorno na inisyu ng isang estado ng European Union (samakatwid, kasama ang Italya) ay hindi palaging nagpapahintulot na makapagtrabaho din sa ibang bansa.

Sa Italya, karaniwang ang tinatawag na “ordinaryong” permesso di soggiorno (para sa trabaho, pag-aaral, pamilya, assistance sa menor de edad, religious, unemployed, asylum at iba pa) ay nagpapahintulot makapag-trabaho sa ibang bansa nang pansamantala lamang, samakatwid ay walang posibilidad sa tuluy-tuloy na trabaho. 

Ito ay dahil ang mga tinatawag na “ordinaryong” permesso di soggiorno ay nagpapahintulot na manatili sa ibang mga estado ng Schengen Area nang hanggang sa maximum na 90 consecutive days, o posibilidad na manatili ng short stay sa labas ng Italya.

Samakatwid, kung nais na lumipat sa ibang bansa at mag-trabaho, ay kakailanganin ang mag-aplay para sa isang angkop na permit sa paninirahan sa bagong bansa, batay sa batas sa imigrasyon ng huling nabanggit.

Ang tanging exemption ay ang pagkakaroon ng EU long term residence permit o permesso UE per lungo soggiornanti – nasasaad sa Legislative Decree 3/2007, at pagsasabatas ng Directive 2003/109 / EC – na nagpapahintulot na makapagtrabaho at makapag-aral din sa ibang bansa. 

Gayunpaman, maipapayo na makipag-ugnayan sa mga awtoridad ng bagong destinasyon, upang ma-verify na walang ipinataw na limitasyon sa ganitong uri ng pagpasok o kung nangangailangan ng partikular na requirement (tulad ng financial requirement, accommodation, insurance coverage). 

Samantala, kung nais na mag-aral sa ibang bansa, at may EU long term residence permit o permesso UE per lungo soggiornanti, kakailanganin lamang magenroll sa napiling kurso. 

Ngunit mahalagang tandaan na ang mga mayroong EU long term residence permit o permesso UE per lungo soggiornanti ay may obligasyong hindi lumabas nang higit sa 12 magkakasunod na buwan mula sa European Union, kung hindi ay nanganganib na bawiin at pawalang-bisa ang EU long term residence permit o permesso UE per lungo soggiornanti. (Atty. Federica Merlo)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

decreto-flussi-ako-ay-pilipino

Paano gagawin ang cambio di residenza online? 

Nag-positibo sa Covid, ano ang regulasyon ngayong June 2022?