in

Maaari bang magtrabaho sa Italya ang mayroong carta di soggiorno buhat sa ibang bansa ng EU?

Maaari bang magtrabaho sa Italya ang mayroong carta di soggiorno buhat sa ibang bansa ng EU? Maaari rin bang sumunod ang kanyang pamilya sa Italya?

altRoma – Abril 10, 2012 – Ang mga karapatang ibinibigay sa pagkakaroon ng EC long term residence permit (o ang kilalang ‘carta di soggiorno) buhat sa ibang bansang miyembro ng EU ay naaayon sa Artikulo 9a ng TU batas sa imigrasyon, sa pamamagitan ng batas n. 3 ng 2007 sa pagpapatupad ng European Directive n. 2003/109/EC.
Dapat isaalang alang na ang Ministry of Interior, sa pamamagitan ng Circular 4285 ng 2009, ay binigyang diin na “ang katayuan ng mga matagalang residente, sa ilalim ng direktiba ng 109/2003/CE, ay hindi kinikilala sa labas ng bansang Italya, sa mga dayuhang mayroong carta di soggiorno na papel.” Ang  Ministry of Interior ay nag-issue muli ng mga circulars ukol dito at partikular ang Circular noong Pebrero 16, 2010.

Sino lamang ang pinapayagan
Ang mga patakaran ay nagsasaad na ang mga dayuhan na mayroong long term residence permit na ipinagkaloob ng ibang bansang miyembro, ay maaaring manatili sa Italya ng higit sa tatlong buwan upang:

Ipagpatuloy ang subordinate job o ang self-employment;

Kumuha ng vocational course o ibang pag-aaral;

Manatili para sa ibang layunin na mayroong mga katibayan ng mapagkukunang pinansyal, ng halagang mas mataas sa doble ng minimun amount na itinakda ng batas para sa exemptions ng mga medical expenses at ng health insurance para sa panahon ng pamamalagi

Ang posibilidad na mag trabaho ay nasasakop ng direct hire

Ang posibilidad upang mag-trabaho, gayunpaman, ay nasasaklaw ng sistema ng mga quota o direct hire. Sa katunayan, sa Italya, ang isang dayuhan na mayroong long term residence permit, na ipinagkaloob buhat sa ibang bansang miyembro, ay maaaring magtrabaho, ayon sa T.U. bilang subordinate workers o self-employed sa pamamagitan lamang ng direct hire. Halimbawa, ang direct hire 2011, ay nagpahintulot sa conversion ng 1000 carta di soggiorno para sa subordinate jobs at 500 carta di soggiorno naman para sa self-employment.

Ang dayuhan, pagkatapos ay hihingan ng “conversion” ng permit at iisyuhan ng panibagong permit to stay. Ukol sa uri ng permit to stay, ang Ministry of Interior, sa isang Circular noong Pebrero 17, 2010, ay binanggit na “ Mula sa isang simpleng pagbabasa ng regulasyon ay nasasaad na ang mga dayuhang pinagkalooban ng permit to stay at hindi tulad ng naunang dokumentong kilala bilang carta di soggiorno”.

Dahil ang long term residence permit ay ipinagkakaloob kung ang dayuhan ay qualified sa isinasaad sa artikulo 9 ng TU (mayroong limang taong paninirahan sa Italya, sapat na sahod at angkop na tirahan).

Ang miyembro ng pamilya

Ayon sa artikulo 9a ay nasasaad na ang mga miyembro ng pamilya ng dayuhang mayroong long term residence permit at mayroon namang balidong permit to stay, buhat sa ibang bansang miyembro, ay maaaring sumunod sa bansang Italya, kung mayroong sapat na requirements para sa family reunification, at maaaring humiling ng permit to stay para sa pamilya.

Kung ang dayuhan naman ay mapanganib sa kaayusan o sa pambansang seguridad, ang permit to stay ay maaaring tanggihan at bawiin kung naibigay na.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Simbolo ng Kristiyanismo, ginamit ng mga turista sa picture taking

“QUICK FOR QUAKE Got Talent”