Roma, Marso 29, 2012 – Ang babaeng kinasal ay may karapatan na mamili ng kanyang gagamiting apelyido pero hindi niya ito pwedeng baguhin kung ito ay ginamit na niya sa kanyang passport, SSS, GSIS at iba pang government documents o public records:
Nasa Article 370 ng New Civil Code na ang isang married woman may use:
(1) Her maiden first name and surname and add her husband’s surname, or
(2) Her maiden first name and her husband’s surname, or
(3) Her husband’s full name, but prefixing a word indicating that she is his wife, such as “Mrs.”
Nasa Article 371 naman ay nagsasabi na in case of annulment of marriage, kung ang babae ay ang guilty party, tinatakda ng batas na bumalik siya sa kanyang maiden name and surname pero kung innocent party siya, ang babae ay pinapamili ng batas na bumalik sa kanyang maiden name and surname o patuloy na gumamit ng kanyang ex-husband’s surname, unless ito ay sinabi ng korte na hindi pwede o siya o ang lalaki ay nagpakasal muli sa ibang tao. Iba ang rule sa legal separation dahil ang wife ay tinatakda ng batas to use her name and surname na ginamit before the legal separation.
Kung nakapamili na ang isang babaeng kasal ng gagamitin niya na apelyido at ginamit na niya ito sa passport niya, BIR, SSS o GSIS ay hindi na niya ito pwedeng baguhin kaagad ayon sa isang Supreme Court decision (Remo vs. Secretary of Foreign Affairs, G.R. 169202, March 5, 2010.) na nagsasabi na ang kung ang isang Filipina na kasal ay gumamit na sa kanyang husband’s surname sa kanyang passport, hindi na siya pwedeng bumalik ng paggamit sa surname niya sa pagkadalaga o bumalik sa paggamit ng maiden name niya except in cases kung saan (1) death of the husband, (2) divorce (3) annulment, or (4) declaration of nullity of marriage. Kung ang kasal ng isang Filipina ay hindi pa annuled or declared invalid ng korte, hindi niya magagamit ang kanyang maiden name o apelyido sa pagkadalaga sa replacement/renewal passport niya. (Atty: Marlon Valderama – www.e-lawyersonline.com)