Simula July 2021 ay parehong makakatanggap ang mga pamilya sa Italya ng benepisyong Assegno unico at Assegno al nucleo familiare. Ang dalawang nabanggit ay hindi maaaring matanggap ng sabay. Ang katanungan ay maaari bang makapili sa dalawa?
Matatandaang inaprubahan kamakailan ng gobyerno Draghi ang pagtanggap ng assegno unico ng ilang sektor mula July hanggang December sa transitional period kasabay ng pagtanggap ng assegno al nucleo familiare. Sa susunod na taon, 2022, ang dalawang nabanggit ay magiging isa na lamang, kasama ang ilang bonus (tulad ng detrazione per figli a carico), ang assegno unico e universale.
Gayunpaman, habang ang assegno unico at ang assegno per il nucleo familiare ay maaaring matanggap kasabay ng ibang bonus at/o benepisyo, ang dalawang nabanggit ay hindi maaaring matanggap ng sabay. Samakatwid, isa lamang sa dalawa ang maaaring matanggap at hindi rin maaari ang pumili sa dalawa.
Ang assegno al nucleo familiare ay tulong pinansyal na natatanggap ng mga lavoratori dipendenti, kasama ang mga colf at badanti. Samantala, maraming pamilya naman ang hindi nakakatanggap nito tulad ng mga unemployed at ang mga self-employed.
Dahil dito, simula July 2021, ay kikilalanin ang assegno unico para sa mga unemployed at self-employed at maaaring makatanggap ng € 167,00 bawat anak (para sa sinumang mayroong ISEE na mas mababa sa € 7,000.00) at nadadagdagan sa pagkakaroon ng making pamilya.
Kasaby nito ay magkakaroon din ng bahagyang pagtaas simula July sa pagtanggap ng assegno al nucleo familiare.
Sa kabila ng nabanggit na bahagyang pagtaas, inaasahang mas mataas ang halaga ng Assegno unico. Dahil dito, marami ang nagtatanong kung maaaring pumili sa dalawa.
Maaari bang pumili sa Assegno unico at Assegno al nucleo familiare (ANF)?
Hindi. Ayon sa decreto na inaprubahan noong nakaraang June 4, 2021, ang assegno unico ay matatanggang mula July hanggang Deecember ng mga pamilya na hindi nakakatanggap ng Assegno al nucleo familiare (ANF).
Samakatwid, ang sinumang mag-aaplay ng ANF sa pagiging kwalipikado at pagkakaroon ng mga requirements ay hindi maaaring mag-aplay ng assegno unico.
Sa kasalukuyan, ang assegno unico ay esklusibong matatanggap lamang ng mga hindi nakakatanggap ng assegno al nucleo familiare.
Gayunpaman, sa pagpapatupad ng Assegno Unico ay unti-unting tatanggalin ang mga sumusunod na benepisyo:
- assegno al nucleo familiare con almeno tre figli minori,
- assegno di natalità o bonus bebè,
- bonus mamma di 800 euro,
- fondo di sostegno alla natalità,
- l’assegno familiare in busta paga,
- le detrazioni per figli a carico.
At simula Enero 2022, inaasahang iisang benepisyo na lamang ang matatanggap para sa mga anak, ang assegno unico e universale.