Ang ‘tagliando’ o ‘cedolino’ ay katibayan na ang permit to stay ay nasa proseso ng renewal.
Ang ‘tagliando’ o ‘cedolino’ ay katibayan na ang permit to stay ay nasa proseso ng renewal. At ang mga nasa renewal ang permit to stay ay pinahihintulutang lumabas ng bansang Italya sa kundisyong ang pagbibiyahe ay limitado lamang o mula sa Italya patungong Pilipinas lamang. Hindi rin pinahihintulutang magkaroon ng stop-over sa anumang bansa ng Schengen, maliban na lamang kung mayroong entry visa.
Sa pagbabaksyon ay kailangang ipakita sa immigration o frontier police ang resibo o ‘cedolino’ kasama ang orihinal na pasaporte. Ipinapayo rin na dalhin ang ibang dokumento na nagpapatunay ng regular na paninirahan at pagta-trabaho sa Italya.
Samantala, walang problema ang sinumang balido ang permit to stay (o carta di soggiorno). Dalhin lamang ang orihinal nito kasama ang pasaporte at maaaring malayang mag-biyahe mula Italya at Pilipinas, pati na rin sa ibang bansa sa Europa kung saan mayroong free circulation ang Schengen, maliban lamang kung mananatili dito ng higit sa tatlong buwan.
Bahagi ng Schengen ang sumusunod na mga bansa: Belgium; France; Germany; Luxembourg; Netherlands; Portugal; Spain; Austria; Greece; Denmark; Finland; Sweden; Iceland; Norway; Slovenia; Estonia; Latvia; Lithuania; Poland; Czech Republic; Slovakia; Hungary; Malta; Switzerland; Liechtenstein.
Ngunit isang paalala sa mga nagnanais bisitahin ang mga bansang hindi sakop ng Schengen tulad ng Great Britain, ay kakailanganin ng entry visa o transit visa.
Sa sinumang naghihintay ng first issuance ng permit to stay para sa trabaho o para sa pamilya ay maaari ring mag-biyahe mula sa Italya patungong Pilipinas, dala ang resibo o ‘cedolino’, pasaporte at entry visa na ginamit sa pagpasok sa Italya.
Kung ang visa ay isang “Schengen uniforme” at ito ay balido pa rin ay maaaring mag-biyahe sa Schengen countries ngunit hindi, kung ito ay paso na o hindi na balido.
Samantala, isang mahalagang paalala para sa mga mayroong anak na menor de edad. Siguraduhing ‘regular’ at naaayon sa tagubilin ng batas ang mga hawak na dokumentasyon ng mga bata upang maiwasan ang anumang antala ng inyong biyahe pabalik ng Italya.
Basahin rin ang:
Anak na 14 anyos, dapat bang mayroong individual permit to stay?
Finger print pati sa mga menor de edad, obligado sa bagong permit to stay
Individual permit to stay sa mga menor de edad, batas na!
Personal na permit to stay ng mga menor, ang paglilinaw buhat sa Ministry of Interiors