Sa bagong DPCM ay nasasaad ang mga alituntunin ukol są pagbisita at pagtanggap ng bisita sa sariling tahanan.
Ang bagong DPCM ay ipatutupad simula January 16 hanggang March 5, 2021. Dito ay nasasaad ang mga pagbabago, karagdagan at mga kinukumpirmang anti-Covid19 preventive measures sa nabanggit na panahon.
Nasasaad din sa bagong DPCM ang mga bagong pamantayan para sa klasipikasyon ng mga rehiyon batay sa kulay. Zona rossa, arancione, gialla at bianca, ang pinaka bago. Batay sa kulay, samakatwid, batay sa lubha ng sitwasyon ng coronavirus, ay napapailalim ang bawat rehiyon sa mga restriksyon. Ngunit tandaan, na may mga restriksyon na ipinatutupad sa buong bansa anuman ang klasipikasyon ng rehiyon.
Kabilang na dito kung ilang katao ang maaaring tanggaping bisita sa sariling tahanan. Pati kung ilang beses maaaring bumisita sa miyembro ng pamilya, kamag-anak o pamilya. Matatandaang ito ay unang ipinatupad sa decreto natale ngunit kinukumpirma din ang pagpapatupad nito sa bagong DPCM. Tandaan na patuloy na ipinagbabawal ang mga private party sa kani-kanilang bahay.
Ang pagbisita o pagtanggap ng bisita sa sariling tahanan, ayon sa bagong DPCM
Matatandaang mahigpit ang rekomendasyon na manatili sa sari-sariling bahay sa malaking bahagi ng maghapon. Sa kabila nito ay pinahihintulutan ng kasalukuyang DPCM, ang pagbisita o pagtanggap ng bisita sa sariling tahanan. Ngunit sa pagkakaroon ng mga kundisyong itinalaga ng batas:
- Ang pagbisita o pagtanggap ng bisita ay hanggang 2 katao lamang. Ang mga mas bata sa 14 anyos at may kapansanan ay hinid kasama sa bilang;
- Ito ay pinahihintulutan ng isang beses lamang sa maghapon;
- Ang pagbisita o pagtanggap ng bisita ay mula 5am hanggang bago mag 10pm lamang. Tandaan na kailangang bigyan ng sapat na oras makabalik sa kani-kanilang tahanan bago magsimula ang curfew ng 10pm hanggang 5am;
- Walang pahintulot ang pagbisita sa kamag-anak o miyembro ng pamilya na nasa ibang rehiyon dahil ipinagbabawal hanggang Feb. 15 ang pagpunta sa ibang Rehiyon;
- Samatwid, ito ay may pahintulut lamang sa sariling rehiyon kung nasa zona gialla.
- Ang pagbisita sa kamag-anak o miyembro ng pamilya ay may pahintulot lamang kung nasa parehong Comune. Partikular sa zona rossa at zona arancione.
- May pahintulot ang pagpunta sa ibang Comule kung ang populasyon sa sariling Comune. Sa kundisyong hindi lalampas ng 5,000 residente at ang distansya ay hindi lalampas ng 30km. At hindi pupunta sa capoluogho ng provincia. (PGA)