in

Mag-aaral, paano magpapatala sa SSN?

Ako ay magre-renew ng permesso di soggiorno per studio. Kabilang sa mga requirements ang insurance policy (polizza assicurativa). Maaari ba akong magpatala sa SSN sa halip na insurance policy?

 

 

 


Abril 20, 2015 – Sa releasing o renewal ng permit to stay sa pag-aaral, ang aplikante ay kailangang patunayan ang pagkakaroon ng medical coverage sa kaso ng pagkaksakit, aksidente o pagbubuntis. Ito ay hinihingi upang ang dayuhan ay hindi makabigat sa National Health Service o SSN na walang anumang kontribusyon sa health expenses. Sa kasong tumanggap ng mga serbisyo sa pamamagitan ng SSN, ang hindi nakatala ay kailangang bayaran ito sa halagang itinalaga ng Rehiyon o ng Probinsya.

Ang mga mayroong permesso di soggiorno per studio na nais makatanggap ng serbisyo buhat sa SSN, ay maaring boluntaryong magpatala sa pamamagitan ng pagbabayad ng maliit na kontribusyon sa health authorities. Ito ay binabayaran sa pamamagitan ng postal account o F24 na tinukoy ng Rehiyon o ng Probinsya kung saan residente ang dayuhan.

Dapat tandaan na ang boluntaryong pagpapatala ay tumutukoy sa ‘anno solare’ o mula Enero hanggang Disyembre. Ito ay nangangahulugang, anumang buwan magpatala ang dayuhan, ang halagang babayaran ay nananatiling pareho at hindi mababago.

Para sa mga mag-aaral na walang dependents at walang karagdagang kita maliban sa scholarship o subsidy mula sa tanggapng publiko, ang halaga ng boluntaryong pagpapatala ay €149,77 kada aton. Para sa mga mag-aaral na mayroong dependents na regular na naninirahan sa Italya (hal. ang asawa at anak), ang halaga ay kinakalkula batay sa sahod at siguradong hindi bababa sa € 387.34.

Ang dayuhang nakatala sa SSN ay nakatala rin sa listhan ng mga mamamayang bibigyang serbisyo ng ASL, kabilang ang mga dependents nito. Sa kasong magpapalit ng tirahan ang dayuhan ay kailangang ipagbigay alam ito upang matanggap rin ang mga serbisyo sa bagong tirahan. Ang sinumang nakatala ay maaaring makatanggap ng mga serbisyo matapos ang pagbabayd ng ticket na nagbabago ayon sa kundisyon at sahod.  

Samakatwid, sa kasong nabanggit sa itaas, upang matugunan ang requirement ng insurance policy sa renewal ng permit to stay, ang dayuhan ay may dalawang posibilidad:

1. Kumuha ng isang insurance policy sa italian o foreign insurance company na balido sa bansa, na magbibigay ng coverage sa pagkakasakit, aksidente at pagbubuntis na balido sa panahon ng pananatili sa bansa.

2. Boluntaryong pagpapatala sa National Health Service o SSN.

 

ni: D.ssa Maria Elena Arguello

isinalin sa tagalog ni: Pia Gonzalez-Abucay

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sakay ng lumubog na barko, higit sa 700 migrante

Pilipinas at Vietnam, gagawa ng strategic partnership kontra China