in

Magiging Italian citizen din ba ang magulang kung Italyano ang anak?

Italian citizenship Ako ay Pilipino

Ang magulang ng mga Italian citizens ay hindi awtomatikong nagkakaroon din ng Italian citizenship. Sa batas ng citizenship (l. 91/1992) ay nasasaad na ang anak ng mga italian citizens ay awtomatikong may italian citizenship dahil sa prinsipyo ng ius sanguinis. Ngunit hindi awtomatikong magkakaroon ng Italian citizenship ang mga magulang dahil sa Italyano ang anak.

Halimbawa: Ang anak ay awtomatikong italian citizen dahil sa kanyang ina na Italian citizen ngunit ang ama ay hindi.

Ngunit kung ang ama ay kasal sa ina na italian citizen, ay mas madali ang proseso upang maging naturalized italian sa pamamagitan ng citizenship by marriage. Sa pagkakaroon ng anak, ay maaaring magsumite ng aplikasyon makalipas lamang ang isang (1) taon ng pagiging regular na residente sa Italya matapos ang kasal.

Kung hindi naman kasal ang mga magulang ng bata, ngunit regular na naninirahan sa Italya, ang ama ay maaaring magsumite ng aplikasyon para sa citizenship by residency. Ito ay siguradong mas mahabang proseso: para sa mga Europeans ay nangangailangan ng apat (4) na taong regular na residente at sa mga non-EU nationals naman ay nangangailangan ng sampung (10) taon. Bukod pa sa pagkakaroon ng administrasyon ng higit na kapangyarihan upang ibigay o tanggihan ang aplikasyon. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Buoni Spesa 2021, nagbabalik!

Bakuna kontra Covid19, kasama sa prayoridad ang mga caregivers