in

Magkano ang increase sa sahod na matatanggap ng colf simula January 2023? 

Mula noong January 1, 2023, ay nagkaroong bisa ang salary increase sa sahod sa domestic job, na tumaas ng 9.2%. 

Ang kawalan ng kasunduan sa pagitan ng mga asosasyon ng mga employers at mga labor unions, ay tuluyang naghatid ng pagtaas sa suweldo, kontribusyon, 13th month pay, holidays at separation pay. Sa katunayan, ang pagtaas ay katumbas ng 80% kumpara sa inflation na naitala noong 2022 ng ISTAT, na sa Italy ay umabot sa 11.5%.

Ito ay maghahatid ng pagtaas ng pasahod para sa mga employers, depende sa antas at suweldo ng domestic worker, mula €1,000 hanggang €1,800 higit pa bawat taon.

Habang sa isang banda, sinuportahan ng mga asosasyon ng mga employer ang pangangailangan na huwag mabigatan ang mga pamilya ng karagdagang pasanin, sa kabilang banda, binigyang-diin ng mga unyon ng manggagawa ang pangangailangan para sa mahigit 1 milyong regular na manggagawa ang magkaroon ng angkop na sahod upang harapin ang pagtaas ng cost of living.  

Bagong minimum wage sa domestic job (live-in – conviventi)

Narito ang minimum salary sa domestic job, buwan-buwan, para sa 54 oras sa isang linggo, ibig sabihin, 234 oras sa isang buwan.

Bukod sa sahod, ang allowance para sa board at lodging ng domestic worker na nasasaad sa kontrata. Ang mga ito ay binabayaran sa panahon ng ferie o bakasyon ng manggagawa, o sa anumang kaso sa pagkakataong hindi tumatanggap ng board at lodging.

Ang board and lodging ay tumaas ng 100% sa halaga ng inflation noong 2022, samakatuwid ng 11.50%. 

Bagong minimum wage sa domestic job (per hour)

Sa table sa ibaba, matatagpuan ang increase kada oras at kada buwan, na kinalkula ng full time o 40 hrs per week. 

Magkano ang increase nito para sa employers kada buwan? 

Matapos makita ang incraese sa sahod para sa mga domestic workers, ito ay isang bahagi lamang ng kabuuang halaga ng isang colf o caregiver para sa pamilya. 

Sa katunayan, dapat ding idagdag ang mga sumusunod:

  • Ferie;
  • 13th month pay;
  • TFR;
  • Kontribusyon sa Inps;
  • Kontribusyon Cassa Colf

Halaga ng increase sa employer kada buwan para sa live in colf o caregiver

Halaga ng increase sa employer kada buwan para sa per hour na colf o caregiver

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Mga hackers, inatake ang mga italian companies at institutions

Tagtuyot, ikinababahala ng Italya