in

Magkano ang sahod ng colf kung magta-trabaho sa araw ng holiday?

Una sa lahat, tandaan na ayon sa Batas at Collective contract, ang mga sumusunod na petsa ay ang itinuturing na holiday:

  • January  1
  • January  6
  • Easter Sunday
  • Easter Monday
  • April 25
  • May 1
  • June 2
  • August 15
  • November 1
  • December 8
  • December 25
  • December 26
  • At ang pista ng Patron Saint ng lugar kung saan nagta-trabaho.

Sa contratto collettivo del lavoro domestico ay nasasaad na sa mga nabanggit na araw ay may karapatan ang mga colf na magpahinga nang  hindi nawawala ang karapatang tanggapin ang suweldo. O ang makatanggap ng karagdagang sahod kung magta-trabaho sa araw ng holiday o sa araw ng Linggo na itinuturing na ‘festivo’ din.

Para sa mga domestic workers ay kailangang tukuyin ang pagkakaiba sa pagitan ng sahod per hour at sahod per month.

Per hour

Kung ang domestic worker ay tumatanggap ng sahod na kinakalkula batay sa oras, ang holiday ay palaging bayad, at ang halaga ay katumbas ng 1/6 ng lingguhang sahod, anuman ang napagkasunduang oras, kung ang holiday ay tumama sa araw ng Linggo o kung hindi ito working day.

Bukod sa bayad ng holiday ay babayaran din ang mga oras na ipinagtrabaho at may karagdagang 60%. 

Halimbawa mula sa Federmanager:

Ang colf na nagta-trabaho ng 4 na beses sa isang linggo ng 5 oras kada araw. May kabuuang 20 oras ng trabaho kada linggo. Ang sahod ay €8 kada oras, at may kabuuang sahod ng €40 kada araw. 

Ang kalkulasyon: 

€8 sahod per hour X 20 hrs per week: 6 = € 26,66 

Ang 1/6 ng lingguhang sahod ay € 26,66.

Kung ang employer at colf ay magkasundo na magtrabaho kahit sa araw ng kapistahan. Sa kasong ito, ang colf ay may karapatang matanggap ang: 

  1. € 40,00 halaga ng sahod;
  2. € 26,66 halaga ng compulsory payment para sa holiday;
  3. € 24,00 ang 60% na karagdagan sa € 40 na sahod

Samakatwid, ang colf na magta-trabaho sa araw ng holiday ay makakatanggap ng € 90,66.

Per month

Ang domestic worker ay makakatanggap ng halaga ng sahod na nasasaad sa collective contract kung  ang araw ng holiday ay mula Lunes hanggang Sabado. Subalit kung ang holiday ay araw ng Linggo, ay kailangang ibigay ang karagdagang halaga sa sahod katumbas ng 1/26 ng halaga ng sahod sa isang buwan.

Gayunpaman, may pahintulot ang worker na gamitin ang araw ng holiday sa ibang araw ngunit tatanggihan ang karapatan.

Pinapaalalahanan ang lahat na sa domestic job ay walang pre-holiday, kung kaya’t ang December 24 at December 30 ay mga working days o giorni lavorativi

(Atty. Federica Merlo)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Highway Code, ang mga pagbabago. Narito ang Gabay mula sa Eksperto

Anu-ano ang mga restriksyon sa zona gialla?