Ang trabaho ng isang caregiver ay ang alagaan ang isang tao na may edad na at/o may kapansanan, na maaaring autonomous o non-autonomous o partially autonomous. Batay sa pangangailangan, ang caregiver ay nagbibigay serbisyo upang matulungan ang inaalagaang magsagawa ng normal na gawain sa araw-araw. Ang caregiver, kung hinihingi ng pagkakataon ay maaaring i-hire bilang live-in.
Sinusundan ito ng paghahanda ng pagkain, pagpapanatiling malinis ng bahay at pagaasikaso sa personal na kalinisan ng inaalagaan. Ang caregiver ay maaaring sumama sa mga medical check-ups, pamimili ng pagkain, maingat na pinaiinom ng gamot ang inaalagaan batay sa reseta ng duktor at sinasamahan palagi ang inaalagaan upang hindi mag-isa ito makaramdam ng pangungulila.
Kung kinakailangan, tinutulungan din ang inaalagaan na maglakad at gumalaw o ang itulak ang wheelchair at asikasuhin ang oxygen, mga aparatus sa katawan atbp. At dahil sa malawak ang obligasyon ng isang caregiver ay kinakailangan ang pagkakaroon ng iba’t ibang kaalaman, kasama na rin first aid at kasama na rin ang angkop na pisikal na katawan upang matulungan ang inaalagaan sa pagkilos. Higit sa lahat ay kailangan ang isang personalidad na angkop upang maisagawa ang isang mabigat na responsabilidad sa uri ng trabaho.
Sa Italya, tandaan na bukod sa sahod, na nag-iiba batay sa bilang ng oras ng trabaho, sa oras ng trabaho – kung araw o gabi, ay matatanggap din ng caregiver ang tredicesima o 13 month pay, ferie o bakasyon, ang permessi retribuiti o ang pagliban na may bayad, ang TFR o separation pay. Bukod sa mga nabanggit, ang employer ay kailangan ding magbayad ng bollittini INPS para sa social contributions ng caregiver.
Ayon sa CCNL Contratto Collettivo Nazionale del Lavoro, ay mayroong basic salary ang bawat lebel o antas – nasasaad din ang scatti di anzianità tuwing dalawang taon. At ang page-empleyo sa isang caregiver ng 30 oras kada linggo bilang part time, ang basic salary ay maaaring magkahalaga ng € 586,83 kada buwan. Kailangan ding kalkulahin ang araw ng holiday na may karagdagang 60% ng sahod. Samakatwid, ang isang caregiver na may antas na BS ay makakatanggap ng minimum na halaga ng € 616,18 kada buwan at kapag umakyat na sa anats na C, ang sahod ay tataas din sa € 938,94 kada buwan.
Kung ang bilang ng oras ng trabaho ay madadagdagan, halimbawa anim na oras araw-araw hanggang Sabado ay makakatanggap ng basic salary ng € 863,00 kada buwan. Ito ay batay pa rin sa kriteryo ng CCNL na may kontrata ng part time at may parehong kundisyon na nabanggit sa itaas.
Samakatwid, ang sahod ng isang caregiver ay maaaring maghalaga mula €500 hanggang € 1600,00 kada buwan, batay sa lebel o antas na nasasaad sa employment contract, sa karanasan ng caregiver at batay din sa oras ng trabaho.