Sa ilalim ng Republic Act No. 9048 at ng New Law of Republic Act No. 10172 at Implementing Rules and Regulations under Administrative order No. 1 series of 2012, ang ‘migrant petitioner provision’ ay nagbibigay ng karapatan sa may-ari ng birth certificate, katulad ng isang ofw, na mag-file sa pinakamalapit na konsulado para sa pagtatama ng typhographical error o mali sa first name at birthday (araw at buwan lamang).
Bilang general rule (Rules of Court, Rule 108), ang petition para i-correct ang erroneous entry sa birth certificate ay dapat isampa sa Regional Trial Court kung saan located ang local civil registrar kung saan rehistrado ang birth certificate.
Bilang exception, ang Republic Act No. 9048 at ang Republic Act No. 10172 ay nagbibigay sa isang "MIGRANT PETITIONER" na isampa ang petition para itama ang erroneous entry sa birth certificate sa pinakamalapit na Philippine Consulate kung Ofws. “R.A. 9048 defined Migrant petitioner as a petitioner whose present residence or domicile is different from the place where the civil registry record to be corrected was registered”.
Ayon sa Rule 4 ng Implementing Rules and Regulations of R.A. 9048 (Administrative Order No. 1, Series of 2001) at Rule 4.1. ng Implementing Rules and Regulations of R.A. 10172 (Administrative Order No. 1, Series of 2012), ang petition para itama ang typhographical error o mali sa first name or birthday (araw at buwan lamang) sa birth certificate, ay pwedeng isampa at asikasuhin ng may-ari ng birth certificate o sinumang tao na may direct and personal interest dito sa pinakamalapit na Philippine consulate kung Ofw. Pwede itong i-file sa Embahada ng Pilipinas at ito ay considered as "migrant petition" at hindi na kailangang umuwi pa sa Pilipinas.
Ngunit ayon sa Rule 4.2 ng Implementing Rules and Regulations of R.A. 10172 (Administrative Order No. 1, Series of 2012), ang petition para maitama ang typhographical error o mali sa gender/kasarian (MALE NAGING FEMALE, FEMALE NAGING MALE) sa birth certificate, ay pwedeng isampa at asikasuhin ng may-ari ng birth certificate lang at wala nang iba pang tao sa local civil registrar kung saan nakarehistro ang kanyang birth certificate at wala nang iba pa. Ang ganitong rule ay ginawa dahil ang iko-correct dito ay ang gender/kasarian kung saan ay kailangan ang personal na pagsampa ng may-ari ng petition at dahil siya ay malamang na kilala sa nasabing bayan o lugar.
Samantala, kung sa Italya naganap ang pagrerehistro ng kapanganakan, gayun din ang birth certificate, ang correction sa pangalan at petsa ay maaaring gawin mismo ng Embahada ng Pilipinas. Sapat na mayroong authenticated copy ng birth certificate mula sa NSO kung saan makikita ang erroneous entry at ang kopya birth certificate na rehistrado sa Italya kung saan makikita ang tamang mga datos. (sources: Atty. Marlon Valderama – www.e-lawyersonline.com at www.philembassy-rome.net)
Petition for Correction of Clerical Error in the Certification of Live Birth (Annex S)
Application fee of €45.00.