Batay sa inaprubahang decreto legge Covid kamakailan, bukod sa palaging pagdadala ng mask at pagsusuot nito sa mga saradong lugar o indoors, ay mandatory na rin ang pagsusuot ng mask kahit sa outdoors o sa simulang may makakasalamuhang hindi kasama sa bahay o miymebro ng pamilya.
Ngunit kalian nga ba may pahintulot na hindi suot ang mask?
Ang pagsusuot ng mask ay hindi obligado kung malayo sa ibang tao, halimbawa kung nasa campagna o probinsya, sa sariling halamanan o taniman” paliwanag ni Usec Sandro Zampa ng Ministry of Health.
- Kung nasa loob ng sariling sasakyan kasama ang tinatawag na congiunti o sakay ng motor o bisikleta kung malayo sa ibang tao;
- Maaaring hindi isuot ang mask sa paglalakad sa gubat o bosco at sa mga isolated places;
- Ang mga runners, joggers at mga nagsasagawa ng sports sa open space tulad ng park o kalsada;
- Kahit ang mga nasa monopattini ay maaaring hindi magsuot ng mask ngunit obligado ang paggamit nito sa pagbaba mula sa monopattino;
OBLIGADO o mandatory ang pagsusuot ng mask sa mga saradong lugar o indoors tulad ng palestra o gym, sa loob ng sariling sasakyan kasama ang mga kaibigan. Ito ay OBLIGADO din sa kalsada kung saan maraming makakasalubong na naglalakad.

Samakatwid, ang mask ay MANDATORY sa lahat ng lugar, indoors at ourdoors, kung saan makakatabi, makakasalubong o makakasalamuha ay ibang tao at hindi kasama sa bahay at hindi miymebro ng pamilya tulad ng kaibigan.

Upang maiwasan ang anumang parusa o multa, para sa lahat, isang OBLIGASYON ang pagdadala ng mask sa tuwing lalabas ng bahay. (PGA)