in

May pahintulot ba ang pagpunta sa ibang Rehiyon ng Italya para sa turismo?

Ako ay Pilipino

Ang mga pagbibiyahe para sa turismo sa loob ng bansang Italya ay pinahihintulutan.

Gayunpaman, ang pamamasyal o turismo ay esklusibong mula at para sa mga rehiyon ng zona Gialla lamang. Ang mga rehiyong kabilang sa zona gialla ay ang sumusunod: Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Lazio, Liguria, Marche, Molise, Provincia autonoma di Trento, Puglia, Sardegna, Sicilia, Umbria, Veneto

Matatandaang ang mga rehiyon sa nasa zona Arancione ay may restriksyon at ang pagpasok at paglabas sa mga rehiyong nabibilang sa zona na ito ay ipinagbabawal. Samakatwid ay hindi maaaring puntahan para sa turismo o pamamasyal. 

Bukod dito, batay sa pinakahuling DPCM, ang pagbibiyahe sa ibang Rehiyon (ng zona gialla) ay dapat na hanggang December 20, 2020 at mula January 7, 2021 lamang. 

Matatandaang, nasasaad sa nabanggit na decreto na ipinagbabawal ang pagbibiyahe o paglabas mula sa Rehiyon kung nasaan sa petsa ng Dec 21 hanggang Jan 6. 

Ipinapaalala rin na ang paglabas at pagpasok sa ibang Comune ay hindi pinahihintulutan sa mga araw ng Decemebr 25, 25 at January 1, maliban na lamang sa pagkakaroon ng mga dahilang pinahihintulutan ng batas. (PGA)

Para sa karagdagang impormasyon, narito ang FAQs ng Gobyerno.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Chinese residents, nagpapabakuna laban Covid19 sa China at nagbabalikan sa Italya

permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Permesso di Soggiorno, extended ang validity hanggang January 31, 2021