Ang green pass ang magpapahintulot na mapabilis ang muling pagbibiyahe ng ligtas, sa iba’t ibang mga Rehiyon sa loob ng bansa na nasa ilalim ng iba’t ibang ‘kulay’ o restriksyon.
Kilala rin sa tawag na certificato verde, ang green pass ay isang uri ng sertipiko, maaaring digital o paper form, na magpapatunay ng ilang kundisyong personal na magpapahintulot sa pagbibiyahe sa iba’t iban Rehiyon ng bansa. Partikular, ito ay iniisyu upang patunayan ang sumusunod na kondisyon:
- Nakumpleto na ang bakuna kontra Covid19;
- Gumaling sa sakit ng Covid19 at natapos na ang isolation;
- Sumailalim sa test molecolare o antigenico rapido at negatibo sa Covid19.
Kailan kailangan ang green pass?
Zona Gialla
Malaya ang pagbibiyahe sa mga rehiyon sa zona gialla. Samakatwid, ang sinumang magmumula at magpupunta sa rehiyon na nasa ilalim ng zona gialla ay hindi kakailanganin ang Autocertificazione. Hindi rin kakailanganin ang green pass o ang patunay ng pagkakaroon ng bakuna, paggaling sa Covid19 o ang resulta ng tampone.
Ngunit kahit na ang pagmumulan ay rehiyon sa zona gialla kung ang pupuntahan naman ay rehiyon sa ilalim ng zona arancione at hindi kalusugan, trabaho o pangangailangan ang dahilan ay kailangang dala ang green pass o sertipiko ng bakuna, may negatibong resulta sa tampone o sertipiko na gumaling sa sakit na Covid19.
Ipinapaalala na ang pagbibiyahe ay maaaring gawin mula 5am hanggang 10pm.
Zona Arancione
Ang sinumang naninirahan sa Rehiyon sa ilalim ng zona arancione ay kailangan ang balidong certificato verde sa mga sumusunod:
- Sa lahat ng pagbibiyahe mula 5am hanggang 10pm papunta sa lahat ng Rehiyon sa ilalim ng zona gialla, arancione at rossa, sa kawalan ng dahilan tulad ng trabaho, pangangailangan, kalusugan at pagbalik o pag-uwi sa tahanan, residence o pansamantalang tirahan;
- Tuwing magpupunta sa second house sa labas ng Comune kung saan naninirahan;
- Tuwing pupuntahan ang magulang/pamilya na naninirahan sa ibang lugar
Sa kasalukuyan ay walang Rehiyon sa ilalim ng zona rossa. (PGA)
Basahin din:
- Italian green pass, ilulunsad sa kalahatian ng Mayo
- Gialla at arancione: ang dalawang kulay ng Italya simula May 10
- Italya, muling magbubukas sa Turismo