in

May patlang sa limang taon na requirement ng EC long term residence permit, makaka-apekto ba sa aplikasyon?

Ang dayuhang nagtataglay ng permit to stay ng hindi bababa sa limang taon ay may karapatang mag-aplay ng EC long term residence permit o ang dating carta di soggiorno.

Naninirahan sa Italya ng limang taon na ngunit nagkaroon ito ng patlang dahil lumabas rin ng ilang beses sa bansa upang magbakasyon sa Pilipinas. Ito ba ay hadlang para sa requirements ng long term residence permit o dating carta di soggiorno? 

Ako ay mayroong permit to stay limang na taon na at nais kong mag-aplay ng EC long term residence permit. Sa panahong ito ay 4 na buwan akong wala sa bansang Italya. Ito ba ay makakaapekto sa aking pag-aaplay ng long term residence permit?

Ayon sa Batas ng Migrasyon, artikulo 9 ng D-Lgs. 268/98, ang dayuhang nagtataglay ng permit to stay ng hindi bababa sa limang taon ay may karapatang mag-aplay ng EC long term residence permit o ang dating carta di soggiorno kung mapapatunayan din ang pagkakaroon ng ibang mga kinakailangang requirements tulad ng sapat na sahod, kawalan ng criminal case, pasado sa Italian language test at iba pa.

Sa requirements naman ng panahon ng pananatili sa bansa ay hindi kasama sa kalkulasyon ng limang taon ang mga sumusunod:

  • Short stay na mas mababa sa 3 buwan para sa negosyo, turismo at pag-aaral;
  • Diplomatic mission batay sa Vienna Convention ng 1961, Consular mission batay sa Vienna Convention ng 1963 at Special mission batay sa Vienna Convention ng 1969 o UN mission batay sa Vienna Convention ng 1975.

Ito ay nangangahulugan na kung ang dayuhan ay limang taon ng naninirahan sa Italya ngunit sa unang taon ay inisyuhan ng permit to stay bilang opisyal ng isang international organization ay kailangang maghintay muna ng isa pang taon para makapag-aplay ng long term residence permit.

Bukod dito, batay sa artikulo 9, talata 6 ng Circular N. 400/A/2007/463/P10.2.2 ng Feb 16 2007 ng Ministry of Interior, ang hindi pananatili sa Italya hanggang 6 na buwang tuluy-tuloy ngunit hindi lalampas sa kabuuang 10 buwan sa loob ng required na limang taon ay kabilang sa kalkulasyon.

Nangangahulugan lamang na kung ang dayuhan na mayroong balidong permit to stay ng limang taon na at lumabas ng bansa ng 10 buwan ngunit hindi naman lumampas sa 6 na buwang tuluy-tuloy, ay maituturing na limang taon na ang paninirahan sa Italya at maaaring mag-aplay ng EC long term residence permit.

Sa kasong ang paglabas ng bansa ay higit sa pinahihintulutang panahon: higit sa 6 na buwang tuluy-tuloy o higit sa kabuuang 10 buwan, ngunit napatunayan naman naman ang pagtupad lamang nito sa military obligations, hindi maiiwasang pagkakataon tulad ng matinding sakit at pagkamatay ng mahal sa buhay habang nasa Pilipinas, ang patlang na ito sa limang taong required ay hindi isasama sa kalkulasyon at maituturing na nakatugon sa limang taong hinihingi ng batas.

PGA

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Aplikasyon ng Reddito di Cittadinanza, pansamantalang inihinto

Mga dapat malaman ukol sa Allergic Rhinitis?