in

Mga anak na menor de edad, magbabayad din ba ng 30.46 euros para sa printing ng permit to stay?

Ako po ay nag-renew ng aking permit to stay at sa kasamaang palad ay inabutan ako ng pagbabalik ng bagong kontribusyon. Ngunit ang aking dalawang dependent na anak: 2 at 9 na taong gulang ay pinagbayad din ng 30.46 euros bawat isa. Mare-refund ko po ba ang halagang iyon? 

 

Bukod sa mga bagong halaga ng kontribusyon na itinalaga noong nakaraang buwan: 40, 50 at 100 euros ay mayroong fixed amount na binabayaran sa renewal ng mga permit to stay: 76.46 euros (para sa 30,46 euros printing ng electronic residence permit; 16 euros para sa revenue stamp; at ang 30 euros sa Poste Italiane).

Noong 2016 ay simulang ipinatupad ang bagong batas ng Europa ukol sa individual permit to stay para sa mga anak na menor de edad ay nag-oobliga sa mga magulang na magbayad ng 30,46 euros para sa printing ng permit to stay. 

Noong July 2016 ay simulang ipinatupad ang European law para sa lahat ng mga menor de edad na dayuhan. Sa katunayan, ayon sa bagong batas, mula sa kapanganakan ang mga menor ay dapat mayroong sariling permit to stay. Bukod dito, simula anim (6) na taong gulang ay kailangang gawin ang finger print sa Questura. 

Samakatwid, unti-unting nawawala ang “allegato minori” o ang dokumento ng menor de edad na extension ng permit to stay ng mga magulang na ibinibigay sa mga menor ng 14 anyos.

Ngunit sa pagpapatupad ng bagong batas, ang printing ng permit to stay para sa mga menor de edad ay mayroong bayad at nagkakahalaga ng 30,46 euros.

Sa katunayan sa isang Circular mula sa Questura ay sinigurado nito ang pagbabayad ng mga magulang o ng legal custody pati ng individual permit to stay sa bawat menor de edad na anak.

Ang katibayan nito ay ang postal bill. Ang mga magulang ay kailangang magbayad ng 30,46 euros para sa sarili at karagdagang 30,46 euros para sa bawat anak gamit ang ibang postla bill. Sa bawat bolletino, paliwanag ng Viminale, sa bahaging ‘eseguito da’ ay kailangang isulat ang pangalan at apelyido ng menor de edad.

Samakatwid, ang halagang nabanggit ay isang obligasyong dapat bayaran at hindi maaaring makahingi ng refund. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ius soli, ipinagpaliban!

Manganganib ang mga pensyon kung wala ang kontribusyon ng mga imigrante!