in

Mga bumalik mula sa Pilipinas, bakit pinagbabawalang sumakay ng treno sa Italya?

Ang mga Italyano at mga dayuhang residente na pansamantalang lumabas ng Italya ay pinahihintulutang makabalik muli sa bansa. 

Samakatwid, may pahintulot makabalik sa Italya ang mga Pilipinong residente na pansamantalang nagbakasyon sa Pilipinas at naipit ng lockdown.

Ngunit sa kabila ng pahintulot ng kanilang pagbalik ay maraming Pilipino ang na-stranded sa istasyon ng treno sa Roma dahil sa hindi pinahintulutan ng awtoridad ang kanilang pagsakay sa treno. 

Ito ay dahil sa mga regulasyon na dapat sundin ng lahat, Italyano man o hindi, na babalik o papasok sa Italya.

  1. Una na dito ang paggawa ng self-declaration o autocertificazione kung saan ide-deklara, bukod sa mga personal information at tel. number, ang dahilan ng pagpasok muli sa Italya, kumpletong address ng bahay o tutuluyan dito kung saan mananatili habang sumasailalim sa quarantine. Pati ang sasakyang gagamitin upang makarating sa bahay o tutuluyan ay kailangang ideklara rin. Ang form ay isa-submit sa airline bago umalis papuntang Italya. 
  2. Ang pagbabawal na gumamit ng public transportation sa pagdating sa Italya at pribado lamang na uri ng transportasyon. Pinahihintulutan ang may susundong pribado sa airport, o aarkila ng sasakyan o ang pagsakay ng taxi. 
  3. Kahit walang anumang sintomas ng COVID-19, ay kailangang sumailalim sa health surveillance at quarantine sa loob ng 14 araw.
  4. Kailangang ipagbigay alam sa Azienda Sanitaria Locale o ASL na nakakasakop sa tutuluyan ng bagong dating.
  5. Ang 14-day quarantine ay maaaring sa sariling tahanan o ibang address ang tutuluyan.
  6. Sa mga kababalik lamang sa Italya at walang lugar na pagpapalipasan ng 14-day quarantine, ay maaaring makipag-ugnayan sa Protezione Civile para sa isang lugar ngunit ito ay babayaran ng bagong dating sa bansa.
  7. Ipinapayong tumawag sa din airlines bago ang flight para sa mga health requirements nito. (updated June 15, 2020PGA sources: Stranieriditalia.com, Ministero Affari Esteri)
Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Cash Assistance mula sa DOLE, may nakakatanggap na sa Italya

Bonus Colf e Badanti, ng ‘Nessuno Escluso’ hatid ng Regione Lazio