in

Mga colf, dapat bang mag-file ng dichiarazione dei redditi?

Ako ay isang Pilipina at nagta-trabaho bilang domestic helper sa isang pamilya. Kailangan ko bang mag-file ng dichiarazione dei redditi?

Ang bawat domestic worker (colf, babysitter at caregivers) ay nakakatanggap ng isang net salary ng mga social contributions na binabayaran quarterly sa tanggapan ng Inps ng mga employer.

Sa kontribusyong ito ay hindi kasama ang bahaging dapat bayaran ng bawat mamamayan bilang buwis (tasse e imposte) upang tanggapin ang mga serbisyong publiko sa pamamagitan ng public schools, hospitals, municipal etc. Sa ilalim ng batas sa Italya, sa katunayan, ang lahat ng tumatanggap ng ‘sahod’, maging employee man o self-employed ay dapat, taun-taon, ay gumawa ng tax return o dichiarazione dei redditi, at sa pamamagitan nito ay inihahayag sa batas ang naging sahod ng isang taon. Base sa sahod na ito ay obligado sa pagbabayad ng  buwis alinsunod sa pamantayang itinakda pa rin ng batas. Malinaw na mas mataas ang kita ay mas mataas rin ang buwis na kailangang bayaran.

Ang mga alituntunin sa pagbabayad ng buwis ay hindi nagbibigay ng obligasyong gumawa ng tax return o dichiarazione dei redditi, kung ito ay hindi lalampas lamang sa itinakda ng batas.

Samakatwid, ang isang colf na nagtrabaho ng 365 days sa isang taon, ayon sa batas ay mayroong isang ‘discount’ katumbas ng dapat bayarang buwis hanggang sa taxable income (reddito imponibile) ng  € 8.000,00. Sa ganitong kaso, ay walang buwis na dapat bayaran at nangangahulugang hindi obligadong gumawa ng dichiarazione dei redditi. Mayroon ring ibang uri ng ‘diskwento’, tulad ng dependent children, medical expenses etc…. Samakatuwid, kung ang kabuuang kita sa trabaho ay lumampas sa limitasyon, kailangang alamin kung dapat gawin ang tax return o dichiarazione dei redditi at kung mayroon o walang dapat bayarang anumang buwis.

Sa madaling salita, ang manggagawa bawat taon ay dapat alamin kung obligadong gumawa ng tax return at kung dapat magbayad ng buwis sa pamamgitan ng isang deklarasyon. Ang deklarasyong ito ay tinatawag na ‘Modello Unico’. Ito ay para sa lahat ng mga mamamayan, Italyano man o hindi.

Upang gawin ang pagsusuring ito ay mabuting magtungo sa anumang  CAF, centri di assistenza fiscal, dala ang mga sumusunod na dokumentasyon hanggang sa buwan ng Setyembre ng taong kasalukuyan.

1) Modello CUD (sertipikasyon na ibinibigay ng employer na magpapatunay ng kinita tinanggap sa taong 2011). Sa katunayan, ang  Contratto Collettivo Nazionale del lavoro domestico ay nagsasaad na "Il datore di lavoro, a richiesta del lavoratore, è tenuto a rilasciare una dichiarazione dalla quale risulti l'ammontare complessivo delle somme erogate nell'anno". Ang employer, samakatwid, kung hihingin ng worker, ay obligadong gawin ang deklarasyong ito kung saan nasasaad ang buong kita ng worker sa isang buong taon, sa pamamagitan ng Dichiarazione Sostitutiva CUD.

2) Fiscal code ng manggagawa at ng dependent family member. Para sa mga non-EU national, isang kopya ng huling stato di familgia na residente sa Italya o anumang katumbas na dokumentasyon buhat sa sariling bansa, traslate sa wikang italyano at authenticated sa Italian Embassy sa sariling bansa ng dayuhan.  

3) Anumang medical expenses sa taong 2011, housing loan(mutuo), anumang gastos sa reconstruction ng bahay, gastos sa sports activities ng anak, etc..

Ang consultant o operator ng CAF, sa pagsusuri ng lahat ng mga dokumentasyon, ay maaaring malaman kung dapat gawin ang tax return at magbayad ng buwis na tinatawag na IRPEF (Imposta Reddito Persone Fisiche) base sa naging sahod ng taong 2011. 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ofw, nagpatayo ng bahay sa lupa ng kamag-anak sa Pilipinas. Sino ang may-ari ng bahay?

Pinay, kasabwat sa pagpasok ng iligal sa Italya para sa prostitusyon