Magandang umaga po. Ako ay isang Pilipina at nagta-trabaho bilang caregiver. Kasalukuyang nasa ospital ang aking employer. Magkakaroon po ba ng pagbabago sa aking trabaho?
Hunyo 17, 2013 – Sa pagkakataong ang inaalagaang employer ay ma-confine sa isang ospital o klinika, ay maaaring isaalang-alang ang tatlong kundisyong matatagpuan sa ibaba, batay na rin sa pangangailangan ng employer.
1. Sa kasong ang inaalagaan ay ma-confine sa ospital ngunit hindi naman nangangailangan ng tagapag-alaga ngunit hindi itinigil ang hiring, sa worker ay nakalaan pa rin ang buong sahod sa panahong naka-confine ang employer dahil ang hiring ay nagpapatuloy. Bukod dito, kung ang worker ay tumatanggap ng board and lodging o pabahay lamang tulad ng naging kasunduan, ang employer ay kailangang siguraduhin ang parehong benepisyo o kinakailangang bayaran ang worker kung sakaling hindi maibibigay ang naging kasunduan sa panahong nasa ospital ang employer. Ito ay nasasaad sa art.19 ng CCNL ng domestic job.
2. Sa kasong ang employer ay mananatili ng matagal na panahon sa klinika at hindi na mangangailangan ng caregiver ay maaaring putulin ang hiring ‘per giusta causa’ sa pamamagitan ng pagpapadala ng komunikasyon sa Inps ng ‘cessazione del rapporto di lavoro’. Sa ganitong kaso ay kailangang sundin ang mga kundisyong nasasaad sa art. 39 ng CCNL batay sa uri ng kontrata, upang alinsunod sa batas ay masunod ang mga palugit sa araw ng abiso bilang solusyon.
3. Kung ang employer ay nangangailangan ng caregiver sa ospital o sa klinika, sa loob ng 5 araw ay kailangang magpadala ng komunikasyon sa Inps ukol sa mga pagbabago sa ‘hiring’, upang masimulan ang pagbabago ukol sa oras o lugar ng trabaho batay sa pangangailangan ng employer.