Magandang araw, nais ko pong malaman kung anu-ano ang mga parusa sa isang dayuhan na sadyang nag-deklara ng maling impormasyon sa self certification.
Roma, Hunyo 11, 2015 – Ang self-certification ay isang deklarasyon na ginagawa ng isang tao sa isang pampublikong kinatawan, bilang kapalit ng isang tunay na sertipiko.
Ito ay alinsunod sa batas D.P.R .445 ng 2000 kung saan nasasaad ang mga sitwasyong maaaring gamitan ng self-certification ng pribadong sektor (Artikulo 46 at 47 ng dekreto). Para sa mga dayuhan, ay kailangang tukuyin kung Europeans o non-EU nationals.
Ang unang nabanggit ay maaaring gumawa ng self-certification sa lahat ng pagkakataon tulad ng nabanggit sa batas.
Ngunit ang mga non-EU nationals na regular na naninirahan sa Italya ay maaaring gumamit ng self-certification nang may limitasyon sa mga bansa, sa mga personal na katayuan, sa mga kaganapang maaaring gawan ng sertipikasyon o pinatutunayan sa pamamagitan ng pampublikong entidad (halimbawa ang paninirahan sa Italya, family composition sa Italya, ang pending criminal case o anumang nauugnay sa paglilitis sa Italya) at sa mga kaso kung saan ang gamit ng self-certification ay para sa pagpapatupad ng international convention sa pagitan ng Italya at ng bansang pinanggalingan ng gumawa ng sertipiko.
Ang mga sitwasyon kung saan ang Italian authorities ay hindi masusuri (tulad ng birth certificate sa sariling bansa, marriage certificate sa ibang bansa, police clearance o criminal case sa sariling bansa) ay kailangang patunayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng orihinal na dokumento mula sa sariling bansa at hindi maaaring maging self-certified. Sa kasong ito ay nagpahayag rin ang Ministry of Interior at Public Administration sa joint circular n. 3 ng 2012 “kung ang kinakailangan datos ay magmumula sa dokumento buhat sa labas ng Italya at hindi rehistrado sa Italya o sa anumang konsulado ng Italya ay kailangang magpatuloy sa paghingi sa sertipiko buhat sa sariling bansa, legalized at translated sa sariling bansa batay sa nasasaad sa batas”.
Palsipikasyon
Ang deklarasyon na ibinigay o ginawa sa pamamagitan ng isang self-certification ay layuning magbigay ng tunay, tumpak at totoong pahayag. Ito ay nangangahulugan na ang mga pahayag ay inaasahang naghahayag ng katotohanan. Ngunit dapat tandaan na ang Public Administration na tatanggap ng self-certification ay gagawa ng kinakailangang pagsusuri, maaaring sa pamamagitan ng random control, ukol sa katotohanan ng ginawang paghahayag. Ang administrasyon ay direktang hihingi sa concerned admin para sa releasing ng angkop na sertipiko ng nakasulat na patunay o angkop na komunikasyon kung saang rehistro o talaang pag-aari nito nasasaad ang inihayag ng dayuhan.
Kung ang deklarasyon ay hindi tutugma sa katotohanan, ay pananagutan ang pagkakasala ng palsipikasyon “ang sinumang magbibigay ng maling deklarasyon, huwad na dokumento o gumagamit ng mga ito ay paparusahan batay sa penal code at mga partikular na batas ukol dito”.
Ang krimen
Sa penal code ay nasasaad ang mga mabibigat na parusa sa sinumang gagawa ng maling deklarasyon. Ang artikulo 483 c.p. ay nagsasaad na sinumang gagawa ng kasinungalingan sa isang public official, sa isang pampublikong dokumento, mga bagay na dapat sanay nagpapatunay ng katotohanan ay pinaparusahan ng pagkakakulong hanggang dalawang (2) taon. Kung ito ay tumutukoy sa maling paghahayag ng civil status, ang pagkakakulong ay hindi bababa sa tatlong (3) buwan.
Pinaparusahan pa rin ng pagkakakulong mula isa (1) hanggang anim (6) na taon ang sinumang gagawa ng maling deklarasyon sa public official ukol sa identidad, katayuan o ibang pang sariling katangian o ng ibang tao (artikulo 495 ng penal Code).
Hayagan ding pinaparusahan ang pagtatanghal ng pekeng aksyon o pagkukunwari. Ang dekreto, sa katunayan, ay nagsasaad na ang pagkukunwari ay isang aksyong hindi batay sa katotohanan at katumbas nito ang huwad na pagkilos. Sa kasong ito ang pagkakasala ay sinadya dahil alam na ang deklarasyon sa self certification ay hindi angkop sa katotohanan.