in

Minor workers, pinapayagan ba sa Italya?

Sa Italya ay pinapayagan ang pagtanggap sa trabaho ng mga menor de edad sa sektor ng service to person. Narito ang mga kundisyon. 

 

Abril 12, 2013 – Sa Italya ay pinapayagan ang pagtanggap sa trabaho ng mga menor de edad sa sektor ng service to person, sa pinakamababang edad na 16, kung angkop ang kalusugan ng minor at hindi lumalabag sa obligadong edukasyon.,

Kung ang worker ay isang menor de edad, bukod sa mga karaniwang dokumento ay kinakailangan rin ang mga sumusnod sa page-empleyo o hiring:

• para sa mga part-timer na minor:  isang simpleng nakasulat na pahintulot buhat sa magulang o tagapag-alaga;
• para sa mga minor na kapisan ng employer o live-in: isang simpleng nakasulat na pahintulot buhat sa magulang o tagapag-alaga na inaprubahan ng Mayor ng munisipyo, kung saan sumasang-ayon sa paninirahan ng menor de edad na worker sa tahanan kapisan ang pamilya ng employer.
• Para sa lahat ng mga menor de edad: ang sertipiko ng pagiging angkop sa trabaho (certificate di idoneità al lavoro), na ipinagkakaloob matapos ang isang medical check-up ng isang health officer, sa tawag at gastos ng employer sa pamamagitan ng Asl.

Ito ay pinangangalagaan ng batas 17/10/1967 n. 977 at ilang mga susog at pagbabago.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Assegno famiglie numerose, para rin sa mga dayuhang mayroong long term residence permit

Pilipinas nag-uwi ng Gold, Silver at Bronze World medals sa New York Festival – International Television & Film Awards 2013,