in

Multa??? Ano ang aking gagawin???

Magandang umaga po, gusto kong malaman kung ano ang dapat gawin pag namultahan sa paglabag sa mga alituntunin ng kalsada. Kung sakaling ang multa ay hindi karapat dapat, may karapatan bang ipaglaban ito?

altKapag lumabag sa Street Rules and Regulations (Pambatasan atas 285 ng 1992) ang mga  nagpapatupad ng batas (munisipal na pulis, Polizia di Stato, Carabinieri, Guardia di Finanza, o mga indibidwal na may partikular na kapangyarihan – ausiliare di traffico ) ay ipinapaalam ang paglabag sa pamamagitan ng isang ‘notification’. Ito ay maaaring madalian (hal ay ang No Parking) o maaaring hindi naman madalian (hal. ang hindi pagsunod sa red light) at maaaring ipadala ang notification sa tahanan ng may-ari ng sasakyan o motorsiklo.

Paalala: Dapat na maabisuhan sa loob ng 90 araw mula sa petsa ng paglabag ang multa. Kapag tinanggihan ang isang paglabag sa Rules and Regulations sa kalsada, maaaring magkaroon ng ilang mga alternatibo. Maaaring bayaran sa loob ng 60 araw ang abiso ng multa. O kung ang multa ay inaakalang hindi makatarungan ay maaaring mag-apila sa Prefect o sa Justice of the Peace (.Giudice di Pace).

Ano ang mangyayari kung magbabayad ng multa?

Kung nagpasyang hindi ito babayaran, dapat malaman na sa loob ng 60 araw ng abiso, ang multa ay madodoble ang halaga. At ito ay hindi na maaaring itanggi pa at ang verbal o rapport  nito ay maaaring ipadala ng City hall sa kinauukulang local entity o collection agency upang singilin ang pagkakautang sa batas. Ang local entity ang magpapadala ng kabuuang halagang dapat bayaran, doble ng multang dapat bayaran gayun din ang mga extra charges nito kabilang ang interes at gastos sa notification. Nangyayari rin ito kahit sa isang simpleng delay lamang ng pagbabayad o makalipas ang 60 araw mula sa araw ng notification.

Paano at kailan dapat magbayad?

Kung nais itong bayaran, dapat sundin ang mga tuntunin ng batas, sa loob ng 60 araw ng abiso (ibig sabihin, pag dating ng registered mail sa naglalaman ng abiso). Tulad ng nabanggit, sa katunayan, kung nagbayad makalipas ang 60 araw na palugit, ang halaga ay awtomatikong madodoble at ang multa ay ibibigay ng Comune o Munisipyo sa collection agency para sa mga receivables.
Ang pagbabayad ay maaaring gawin sa mga post office at ilang mga tobacconists.
Pagkatapos magbayad, ay dapat itago ang resibo ng pinagbayaran ng limang taon. Maaaring mangyari ang isang pagkakamali mula sa  tagapangasiwa at ang pinagbayaran ay hindi magrisulta kahit na binayaran na at maaaring makatanggap ng notification mula sa collection agency. Sa pamamagitan ng pagtatago ng resibo ng pinagbayaran ay maaaring mapatunayan na ang multa ay bayad nà ng naaayon sa panahon ng palugit nito.

Kung ang multa ay maituturing na hindi makatarungan

Kapag ang multa ay itinuturing na di-makatarungan, ay maaaring pumili sa dalawang paraan. Ang mag apila sa Prefect o sa Justice of the Peace (Giudice di Pace). Ang dalawang ito ay maaaring pagpipilian at nangangahulugan na kung sa prefect mag-aapila ay na hindi maaaring mag-apila pa sa Giudice di Pace.

Ang apila sa prefect (prefetto)

Ang apila ay dapat na isumite sa tanggapan ng Prefecture kung saan ang paglabag ay naganap. Maaari din itong iprisinta sa opisina o command na hurisdiksyon na kumakatawan sa nagpadala ng registered mail ng nasabing multa.
Dapat na ibigay, kasama ng apila, ang lahat ng mga detalye ng multa (numero ng verbal, petsa at lugar ng paglabag) at dapat tukuyin ang mga dahilan kung bakit ang paglabag ay itinuturing na hindi makatarungan.
Ang mga dahilan ng apila ay maaaring pormal (halimbawa, bakit ang notifcation ay dumating pagkatapos ng deadline na ibinigay ng batas, o maaaring bakit hindi nabanggit sa ulat ang mga paglabag) o maaring hinihingi ng pagkakataon (halimbawa – pagkakasira ng sasakyan na naging dahilan ng wrong parking nito o ang speed limit dahil sa isang emergency).

Mainam na ilakip ang lahat ng dokumento na kailangan upang linawin ang katotohanan at tanggihan ang mataas na multa. Maaari din  humiling ng pagkakataong mapakinggan ng Authority.
Kung kinakailangang marinig ng kinauukulan, ay bibigyan ng takdang araw ang humiling nito upang malaman ng Prefecture ang kanyang mga dahilan.

Ang prefect, pagkatanggap ng apila at ng lahat ng mga dokumento sa mga katawang gumawa ng verbal ay mayroong 120 araw upang magdesisyon kung tatanggapin o tatanggihan ito. Sa kasong tanggapin ito at pakinggan ang kanyang mga paliwanag, ang bilang ng araw ay masususpinde hanggang sa araw na nakatakdang pakinggan ang paliwanag. May karagdagang 150 na araw upang ipagbigay-alam ang naging desisyon.

Ang kawalan ng tugon sa loob ng panahong itinakda, apila ay itinuturing na tanggap.

Kung, gayunpaman, ang prefect ay nagpasiya na huwag tanggapin ang mga paliwanag, mag-iisyu ito ng isang order (ordinanza-ingiunzione) na nangangailangan ng pagbabayad ng doble ng multa. Kung laban sa order na ito ay maaari pa ring humingi ng tulong sa hustisya (Giudice di Pace) sa loob ng 30 araw mula sa araw ng abiso.Kung kinakailangang marinig ng kinauukulan, ay bibigyan ng takdang araw ang humiling nito upang malaman ng Prefecture ang kanyang mga dahilan.

Ang pag-aapila sa prefect ay exempted sa mga buwis. Kung isusumite ito sa pamamagitan ng registered mail, ito lamang ang magiging gastusin. Inirerekomenda na ipadala ang apila sa pamamagitan ng registered mail.

 

(Ipagpapatuloy: Paano ang mag-apila sa Giudice di Pace)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Baby sitter na Pinay, naiwan ang alaga, nalunod sa swimming pool

CGIL: Pagkakakitaan pà ang mga migrante na nangangailangan ng regularisasyon!