in

Multa dahil sa paglabag, ngunit may balidong dahilan? Ano ang dapat gawin?

multa sa paglabag Ako a Pilipino

Ang multang natanggap – kung pinaniniwalaang walang nilabag na batas – ay maaaring tanggihan at labanan, tulad ng ibang mga administrative sanctions. 

Narito ang mga paglabag na minumultahan mula €400 hanggang € 1000, na itinalaga ng Cura Italia:

  • Paglabas sa oras ng curfew ng walang balidong dahilan tulad ng trabaho, kalusugan at pangangailangan;
  • Paglabas ng Comune at Rehiyon;
  • Hindi pagsusuot ng mask sa outdoor;
  • Sanhi ng ‘assembramento’ o hindi pagsunod sa social distance.

Sa sinumang namultahan dahil sa paglabag sa anti-Covid19 preventive measures ay may dalawang posibilidad:

  • Bayaran ang multa sa loob ng limang araw, upang pakinabangan ang 30% na kabawasan sa halaga ng multa;
  • Tanggihan ito at maghain ng apila, kung pinaniniwalaang hindi makatarungan ang multa.

Ang sinumang may balidong dahilan ay maaaring tanggihan ang natanggap na multa. At siguraduhing may sapat na dahilan sa pagtanggi at sa pagsasampa ng apila o ‘ricorso’ at patunayan ang kawalang sala nito. 

Paano tatanggihan o lalaban ang natanggap na multa

May nakalaang 30 araw, mula sa pagtanggap ng notipikasyon ng paglabag para tanggihan ang natanggap na multa. 

Kailangan ang magpadala ng written defense sa awtoridad na tinukoy sa multa. 

Kung minultahan ng vigili urbani, ang pagtanggi sa multa ay kailangang ipadala sa Comune. Kung Polizia provinciale naman ay kailangang ipadala sa Provincia. Samantala, kung ang nag-multa ay Polizia di Stato, Guardia di Finanza o Carabinieri, ang pagtanggi sa multa at kailangang ipadala sa prefetto o sa giudice di pace. 

Kailangan itong ipadala sa pamamagitan ng registered mail with return card o PEC.

Ang written defense ay kailangang nagtataglay ng:

  • Personal datas ng tumatanggi sa multa;
  • Kopya, harap at likod, ng balidong dokumento;
  • Dahilan ng pagtanggi.

Ang awtoridad ay may limang (5) araw para tanggapin ang dahilan o tanggihan ito. 

Sa kasong tanggihan ito, ay gagawan ng ordinanza di ingiunzione at ang multa ay madodoble ang halaga. Sa kasong ito ay maaaring magsampa ng apila sa Giudice di Pace sa loob ng 30 araw matapos matanggap ang notipikasyon ng pagtanggi sa written defense.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

blood donation filippini Ako ay Pilipino

Blood Donation, adbokasiya ng I Paramedici Filippini

Regularization 2020, extended ulit ang deadline hanggang January 8, 2021