Bahagi ng kontribusyong ibinabayad ng employer sa Inps ay nakalaan sa Inail para sa anumang uri aksidente. Narito ang kasalukuyang panuntunan at obligasyon ng employer sa kaso ng aksidente ng colf.
Mula Oktubre 12 noong nakaraang taon ay simulang ipinatutupad ang bagong regulasyon para sa infortuni sul lavoro o aksidente sa trabaho kung saan ang malilit o hindi malalang aksidente na nangangailangan ng hanggang 3 araw na pagpapagaling ay obligado ang pagbibigay ng komunikasyon sa Inail. Ngunit hindi nito nasasaklaw ang domestic job tulad ng inakala ng marami.
“Para sa mga colf, ay nananatili ang obbligo di comunicazione para sa mga aksidenteng mas malala”, kumprima ni Assindatcolf National Head Teresa Benvenuto.
Ang mga colf, caregivers at babysitters na regular na na-empleyo at ipinagbabayad ng kontribusyon sa Inps, ay may karapatan sa mga serbisyo at benepisyo sa insurance laban sa aksidente o infortunio at sa pagkakasakit o malattia. Bahagi ng kontribusyong ibinabayad o inihuhulog sa social security ay nakalaan sa Inail para sa anumang uri aksidente na maaaring maganap habang ginagampanan ang trabaho. Sa katunayan, ang Inail, ay ang tanggapang kailangang magbayad sa colf na naaksidente o nagkasakit, ng isang allowance o indennità sa panahon ng kanyang pagliban o leave.
Narito ang kasalukuyang panuntunan at obligasyon ng employer sa kaso ng aksidente o pagkakasakit ng colf.
Prognosi fino a tre giorni: Ito ay tumutukoy sa maliliit na aksidente at nangangailangan ng hanggang 3 araw na pagpapagaling (hindi kasama ang araw kung kalian naaksidente).
Sa ganitong kaso, ang obligasyon sa pagpapadala ng denuncia sa Inail ay hindi kailangang gawin ng employer at kailangang bayaran ng employer sa worker ang napagkasunduang sahod kasama ang anumang board and lodging.
Prognosi superiore a 3 giorni: Ito ay tumutukoy sa mas malalang aksidente at ang pagpapagaling ng colf, ayon sa medical certificate, ay higit sa tatlong araw.
Sa ganitong kaso ay obligadong magpadala ng denuncia di infortunio sa Inail sa loob ng dalawang araw o 48 oras mula sa pagtanggap ng unang medical certificate o ng medical report buhat sa emergency.
Ang komunikasyon, gamit ang form 4 bis R.A. ay kailangang gawin sa pamamagitan ng registered mail o certified email (Pec) sa tanggapan ng Inail kung saan residente ang colf.
Matapos gawin ang denuncia, ang leave ay magsisimula sa ika-apat na araw ng pagliban sa trabaho. Ang Inail ang magbibigay sa colf ng sick pay para sa bawat araw na hindi makakapag-trabaho, kasama ang karagdagang sahod mula sa ibang employer.
Pragnosi oltre 30 giorni: Ito ay sumasaklaw sa mga aksidente na nangangailangan ng higit sa 30 araw na pagpapagaling.
Sa ganitong kaso, ang employer ay dapat magpadala ng kopya ng denuncia di infortunio na ipinadala na sa Inail, sa awtoridad tulad ng Commissariato di Polizia, Questura o sa Munisipyo kung saan naganap ang aksidente. Sa kawalan, hindi wasto o naantalang report ay nasasaad ang kaukulang administrative fine o multa na nagkakahlaga mula € 1,290.00 hanggang sa maximum amount na € 7,745.00 at maaaring itaas ng Inail o ng awtioridad sa ilang kaso.
Sa kaso naman ng pagkamatay, ang pagpapadala ng denuncia sa Inail ay kailangang gawin sa loob ng 24 na oras, sa pamamagitan ng telegrama o fax.
Samantala, sa kasong ang colf ay nakakatanggap ng libretto famiglia, ay obligasyon pa rin ng employer ang magpadala ng komunikasyon at ang colf ay makakatanggap ng sick pay mula sa Inail. Matatandaang sa sahod per hour ng natatanggap ng colf ay included ang insurance sa aksidente o infortuni.