Ako po ay isang colf. Nag-aplay ako para sa assegni per il nucleo familiari o family allowance. Magkano po ang halagang makukuha ko?
Roma, Nobyembre 7, 2016 – Ang family allowance ay mas kilala bilang assegni per il nucleo familiari o ANF. Ito ay isang tulong pinansyal na ibinibigay sa mga pamilyang higit na nangangailangan at ibinibigay ng walang anumang pagkakaiba sa pagitan ng pamilyang Italyano at pamilya ng mga imigrante. Ito ay nakalaan sa mga manggagawang regular na naka-empleyo, full time o part time (kahit ilang oras lamang kada linggo) at regular na ibinabayad ng kontribusyon.
Taun-taon ay pinapalitan ang halaga ng family benefit o ‘assegni per il nucleo familiare’, batay sa sahod at sa bilang ng miyembro ng pamilya.
Ang circular ng INPS bilang 92 ay nagtakda ng mga pamantayan sa kabuuang sahod at halaga ng assegni familiari para sa taong 2016 at nananatiling balido hanggang June 30, 2017. Narito ang talaan batay sa sahod at bilang ng miyembro ng pamilya.
Ang kabuuang kita ng buong pamilya ay binubuo ng pinagsamang kita ng aplikante at ng mga miyembro ng pamilya at kailangang isaalang-alang ang kinita ng naunang taon sa panahon ng pag-aaplay: halimbawa para sa panahong July 1, 2016 hanggang June 30, 2017 ay kailangang isaalang-alang ang kabuuang sahod ng taong 2014. Hindi kabilang sa kalkulasyon ng kabuuang sahod ang separation pay o ang halagang tinanggap bilang “accompagantori degli invalidi civili”. .
Paano mag-aplay? Ang mga colf, caregivers at baby sitters ay ipapadala ang aplikasyon sa Inps na direktang magbibigay sa kanila ng benepisyo.
Assegno al nucleo familiare, i valori validi dal 1 luglio 2016 al 30 giugno 2017