Magandang araw po. Ako ay nagsumite ng aplikasyon para sa citizenship isang taon na ang nakakalipas. Nalalapit na ang expiration ng aking permit to stay at wala na akong mga requirements upang mai-renew ito. Ano po ang aking nararapat gawin?
Alinsunod sa art. 11, talata 1, letra c ng Presidential decree n . 394/99 , ang isang dayuhan na nagtataglay ng balidong permit to stay para sa ibang motibo ay maaaring mag-request ng issuance ng permesso di soggiorno per acquisto della cittadinanza sa panahon ng pag-proseso ng citizenship.
Ito ay nangangahulugan na ang isang permesso di soggiorno per attesa cittadinanza ay maaaring ipagkaloob sa sinumang sinimulan ang pag-aaplay ng italian citizenship. Ang ganitong uri ng permit to stay ay hindi maaaring gamitin sa anumang uri ng trabaho, self-employment man o subordinate job (batay sa note verbal eng Ministry of Interior noong 12/01/2008).
Ang sinumang mayroong permesso di soggiorno per attesa cittadinanza ay maaari ring magpatala ng libre sa National Health Assistance (SSN – Servizio Sanitario Nazionale) batay sa artikulo 34, talata 1, letra b ng Presidential decree n. 286/98.
Maaari ring mag-aplay para sa family reunification, kung kwalipikado o nagtataglay ng mga requirements na hinihingi ng batas, partikular ang pagkakaroon ng sapat na sahod at angkop na tirahan (Court of Appeals no.12680 ng 2009).
Ang application ay maaaring isumite sa Questura sa pamamagitan ng Posta, gamit ang form 1 ng modelo 209 na matatagpuan sa loob ng kilalang kit. Dapat ilakip kasama ng application ang mga sumusunod:
– photocopy ng pasaporte (pahina na may mga personal datas at mayroong timro ng entry at exit );
– photocopy ng dating permit to stay;
– revenue stamp € 16.00 ;
– dokumentasyon sa tirahan (ownership, upa o declaration of hospitality);
– dokumentasyon ng kita o sahod;
– photocopy ng katibayan ng pag-aaplay ng Italian citizenship o simula ng pagkilala sa citizenship.