in

Nag-aplay ng Italian citizenship, bibigyan din ba ng Italian citizenship ang mga anak?

Sa aplikasyon ng italian citizenship, ay kasabay ring ginagawa ang deklarasyon ng family composition o ang Autocertificazione ng Stato di Famiglia – ng mga miyembro ng pamilya na kapisan o naninirahan na kasama ng aplikante. Ang mga anak ay maaari ring maging naturalized italian, kasabay ng mga magulang, batay sa ‘panahon‘ kung kailan ganap na magtatapos ang pagsusuri sa aplikasyon. Ngunit ang mga anak na menor de edad ay awtomatikong Italian citizen.

Una sa lahat ay nagiging italian citizen lamang ang aplikante makalipas ang unang araw ng panunumpa ng katapatan. Ito ay nangangahulugan na kahit natanggap na ng aplikante ang decreto ng italian citizenship ngunit sa loob ng anim na buwan ay hindi gagawin ang panunumpa, ang aplikante ay hindi pa rin italian citizen.

Dahil dito ang mga anak na menor de edad na kapisan at regular na naninirahan sa Italya ay nagiging Italyano rin kasabay ng magulang makalipas ang 1 araw matapos manumpa. Ito ang panahong nasasaad kung kailan ang mga anak ay hindi pa dapat na 18 anyos at hindi sa araw ng paglabas ng dekreto.

Iba naman ang kaso ng mga anak na kabilang sa family composition, na regular na kabilang sa deklarasyon sa aplikasyon, na nagiging 18 anyos bago gawin ang panunumpa. Sa katunayan, sa ganitong pagkakataon, ang mga anak na may sapat na gulang ay hindi magiging Italyano kasabay ng magulang.

Gayunpaman, ay maaaring mag-aplay ng italian citizenship makalipas ang limang taon ng residensya sa Italya, panahong binibilang isang araw makalipas ang panunumpa ng magulang. Sa kasong ito ang aplikasyon ay isusumite sa parehong requirements ng sahod sa aplikasyon ng Italian citizenship by residency batay sa artikulo 9 ng batas 91/92. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang Pagkakaiba ng Allergic Reaction sa Coronavirus Infection

Ang kulay ng mga Rehiyon ng Italya simula March 22