in

Nag-aplay sa huling Regularization? Huwag lumabas ng bansang Italya

Ibinigay po sa akin ng aking employer ang resibo ng Regularization. Maaari po ba akong magbiyahe kahit sa Europa lamang?

Ang mga undocumented workers sa Italya na nag-aplay sa huling Regularization ay pinapayuhang huwag lumabas ng bansang Italya bago tuluyang matapos ang buong proseso ng regularization.

Ang resibo na hawak ng mga employer na ibinigay matapos maisumite ang aplikasyon online ay hindi maituturing na sapat at balidong dokumento sa muling pagpasok sa Italya. Ang mga lalabas ng bansa na ito lamang ang dalang dokumento ay nanganganib sa hindi na muling pagpasok sa Italya.

Samantala, ang mga nag-aplay para sa Regularization ay kailangang maghintay hanggang sa tawagan ng Immigration Office upang pirmahan ang kilalang contratto di soggiorno (residency contract). Matapos itong pirmahan ng employer at ng worker ay ipi-fill up naman ang aplikasyon para sa first issuance ng permi to stay.  

Ang pagkakaroon ng postal receipt matapos isumite ang kilalang ‘postal kit’ ay ang magbibigay ng pagkakataong makalabas ng bansa at walang dudang muling makakapasok ng bansang Italya.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagpasok sa Italya bilang Entrepreneur

28 nasawi sa pamamaril sa Connecticut, USA