in

Nagbukas ng sariling negosyo, paano na ang permit to stay?

Ako ay nagtrabaho bilang tauhan ng isang kumpanya noon, ngunit ngayon ako ay mayroong sinimulang maliit na negosyo. Dapat ko bang palitan ang aking permit to stay kahit na ito ay balido pa? 

 

Hangga’t ang permit to stay per motivo lavoro subordinato, autonomo o familiari ay balido ay hindi obligado ang conversion nito. Sa katunayan, ang mga nabanggit na uri ng dokumento ay nagpapahintulot na magtrabaho anuman ang uri nito –  autonomo man o subordinato –  hanggang sa expiration ng permit to stay, kailangan lamang sundin ang regulasyon na hinihingi ng batas para sa uri ng trabahong napili.

Sa pagsusumite lamang ng renewal ng permit to stay sa Questura, sa pamamagitan ng kit sa italian post office, ay hihilingin ang conversion upang sa releasing nito ay matutukoy sa dokumento ang bagong dahilan ng pagkakaroon nito. Sa kasong mas nangingibabaw ang mga kundisyon upang i-renew ang permit to stay – halimbawa para sa motivi familiari – ay maaaring i-renew ito sa parehong motivo ng hindi hihingin ang conversion nito. 

Ang request ng conversion ay kailangang gawin sa parehong panahon ng request ng renewal o hindi lalampas sa 60 araw mula sa petsa ng expiration ng permit to stay na kasalukuyang hawak.

Samakatwid, ang mga dayuhang self-employed o autonomo at may hawak ng balidong permit to stay (na nabanggit sa itaas), sa pag-aaplay ng conversion ay kailangang ilakip ang mga sumusunod: 

• balidong pasaporte at permit to stay;

• tax Code o health card ;

• dokumentasyon ukol sa tirahan o accommodation (kontrata sa upa ng bahay o libreng patira, hospitality declaration, cessione fabbricato);

• dokumentasyon ng self-employment tulad ng partita iva, sertipiko ng rehistrasyon sa Chamber of Commerce, lisensya o awtorisasyon sa pagbubukas ng negosyo, registration sa albo (kung mayroon man); 

• dokumentasyon o patunayan ng kita o sahod: ang taunang kita ay kailangang buhat sa legal na paraan at ang halaga nito ay kailangang mas mataas  sa minimum required salary ng batas para sa exemption ng health expenses o hindi bababa sa € 8,500 gross income bawat taon . Kung ang negosyo ay sinimulan higit sa isang taon na, ang aplikante ay kailangang ilakip ang tax return o dichiarazione dei redditi. Kung ang aplikante naman ay sinimulan ang negosyo ng wala pang isang taon, ay kailangang ilakip ang accounting report gawa ng sariling commercialista lakip ang ID nito o ng isang Caf, kung saan nasasaad ang takbo ng negosyo. Kung nagtataglay naman ng certificazione unica o CU, na ibinibigay rin ng Inps sa kaso ng disoccupazione o ang tax return ng naunang taon, ay ipinapayong ilakip ito ay aplikasyon, lalo na kung ang negosyo ay binuksan ng wala pang isang taon upang mapatunayan ang kinita isang taon bago simulan ang negosyo; 

• revenue stamp ng € 16,00 

• postal fee na € 130.46

 Ang validity ng bagong permit to stay ay pinakamatagal ng dalawang taon maliban na lamang kung ang request ay para sa carta di soggiorno o EU long term residence permit, kung ang aplikante ay nagtataglay ng mga requirements at angkop na bayad para sa uring ito ng dokumento.  

Ipinapa-alala rin na ang lavoro autonomo ay obligadong magbayad ng sariling kontribusyon sa Inps. Ang kawalan ng payment na ito ay maaaring, bukod sa administrative sanctions ay maging sanhi ng ilang problema sa releasing at renewal ng permit to stay. 

 

ni: D.ssa Maria Elena Arguello

isinalin sa tagalog: PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Cappuccino at kapeng barako

Mag-aaral na dayuhan, halos 10% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral