Magandang araw po. Ako ay isang colf at kasalukuyang nagdadalang-tao. Ayon sa duktor ay maayos ang aking pagbubuntis at hinihiling ko ang posibilidad na makapag-trabaho hanggang sa ika-walong buwan. Maaari po ba ito?
Hunyo 17, 2013 – Ayon sa batas bilang proteksyon sa mga working-mothers, ang obligatory maternity leave ay katumbas ng limang buwan kung saan ipinagbabawal sa mga future moms ang mag-trabaho. Ang panahong nabanggit ay dapat kalkulahin ng ganito:
– 2 buwan bago ang inaasahang araw ng panganganak
– 3 buwan makalipas makapanganak
Ang panahong ng obligatory maternity leave ay hindi nagbabago sa pagkakaroon ng kambal na anak.
Ngunit ang kabuuang panahon ng obligatory maternity leave, kahit maging sa domestic job ay pinagkalooban ng ‘flexibility’ na magpapahintulot sa future moms na ipagpaliban ang panahon ng leave hanggang sa isang buwan bago ang nakatakdang petsa ng panganganak hanggang sa apat na buwan makalipas ipanganak ang sanggol.
Ang flexibility na ito ay nagbibigay-daan sa mga ina upang magampanan ang tungkulin sa trabaho hanggang sa ika-8 buwan ng pagdadalang-tao, kung ang pisikal na kundisyon o ang kalusugan ay pinahihintulutan ito. Sa mga kasong ito, kung ang future moms ay kwalipikado sa pagtanggap ng maternity allowance (indennità di maternità) at ito ay kinikilala sa buwan bago ang inaasahang petsa ng panganganak at ito ay ipinagkakaloob hanggang ika-apat na buwan ng leave.
Upang matanggap ang benepisyong ito, sa aplikasyon ng maternity leave (Mod. Mat.) ay kailangan i fill-up ang angkop na bahagi bukod sa paglalakip ng mga health certificate ng gynaecologist ng SSN o ng accredited clinic o health structures. Ang certification na ito ay kailangang ipinagkaloob habang nasa ika-7 buwan ng pagdadalang-tao, ang certificate na ibinigay na mayroong petsa makalipas ang ika-7 buwan ay hindi na itinuturing na balido at wasto (sa mensahe bilang 11621/2008 ng INPS).
Maaaring ihinto ang nasabing ‘flexibility’ sa kasong ang worker ay hilingin ito o sa kaso ng sick leave na maaaring maging sanhi ng panganib sa kalusugan ng ina at ng anak. Gayunpaman, ang mga araw na totoong ipinag-trabaho, kabilang ang mga pista opisyal, ay kikilalanin pagkatapos ng kapanganakan para sa panahon ng maternity leave.