Ako ay isang caregiver at nag-apply ako sa huling Regularization. Habang naghihintay ako sa ‘convocazione’ o appointment sa Prefecture ay nagtapos na ang aking kontrata sa trabaho. Maaari ba akong mag-trabaho sa ibang employer? Kung hindi ako makakakita ng panibagong trabaho, maaari ba akong magkaroon ng permesso di soggiorno per attesa occupazione?
Kung ang kontrata sa trabaho ay nagtapos na bago pa man ang ‘convocazione’ para pirmahan ang tinatawag na ‘contratto di soggiorno’ at wala ng posibilidad na ma-renew ito ng parehong employer, nasasaad sa bagong Circular ng Ministry of Interior ng April 11, 2021 ang mga posibleng solusyon:
- Magpalit ng employer kahit pa hindi ito sanhi ng ‘forza maggiore‘ tulad ng pagkamatay ng employer o pagkalugi ng kumpanya;
- Para sa mga domestic workers, ang bagong employment contract ay maaaring gawin kahit hindi miyembro ng pamilya ng dating employer;
- Kung walang bagong trabaho, ay posibleng mag-apaly ng permesso di soggiorno per attesa occupazione.
Gayunpaman, dapat tandaan na ang employer at ang worker ay kailangang magpunta pa rin sa Prefecture para pirmahan ang employment contract sa panahong aktwal na nag-trabahoang worker.
Ang permesso di soggiorno per attesa occupazione ay maaaring ibigay sa ngayon sa mga seasonal workers na habang naghihintay ng resulta ng pagsusuri ng aplikasyon ng Regularization ay nagtapos ang kontrata sa trabaho.
Bukod dito, ayon pa sa Ministry of Interior na ang mga unang aplikasyon ng permesso di soggiorno per attesa occupazione na tinanggihan ay muling susuriin. At samakatwid ay maaaring muling mag-aplay ng permesso per attesa occupazione kahit pa ito ay tinanggihan na dahil sa pagtatapos ng kontrata sa trabaho.