in

Naghihintay ng renewal ng permit to stay, maaaring mai-empleyo?

Magandang araw po sa inyo. Ako po ay nag-renew ng permit to stay at hanggang sa ngayon ay resibo pa rin ng post office ang aking hawak. Maaari ba akong ma-empleyo?

Setyembre 4, 2013 – Alinsunod sa artikulo 5, talata 9bis ng D.Lgs. 286/98, ang dayuhan na kasalukuyang nasa proseso ang renewal ang permit to stay at nagtataglay ng resibo ng post office o ang tinatawag na ‘cedolino’ na nagpapatunay ng pagkaka-renew ng dokumento, ay may karapatang mag-trabaho hanggang sa posibleng komunikasyon nito sa angkop na tanggapan.  
 
Gayunpaman, may ilang uri ng permit to stay na hindi pinapahintulutan ang hiring ng mga non-EU nationals tulad ng health, tourism, religious, minor, business at law. Kinakailangan, samakatwid, ay suriin ang uri ng permit to stay, kung kaya’t isang magandang kaugalian ang pagkakaroon ng photo copy sa kasong nag-renew nito. 

 
Ang trabaho ay maaaring simulan o gawin ang ‘hiring’, kung sa pagprima ng kontrata, ang dayuhan ay nag-renew bago ang expiration date ng permit to stay o sa loob ng 60 araw mula sa expiration date ng nasabing dokumento; bukod dito ay kinakailangang nagtataglay ng postal receipts na magpapatunay sa ginawang renewal.   
 
Ang employer na nagnanais na mag-empleyo ng non-EU nationals na regular na naninirahan sa Italya, ay kailangang ipadala, 24 na oras bago ang araw ng hiring, ng tinatawag na modello di comunicazione obbligatoria “UNILAV” sa Centro per l’Impiego.  Sa kaso ng isang colf, ang komunikasyon ay kailangang ipadala sa tanggapan ng INPS. Isang kopya ng komunikasyong ito ay kailangang ibigay sa dayuhan na syang magdadala ng nasabing dokumento sa Questura para sa pagtatapos ng renewal ng dokumento. 
 
Sa kaso ng pagkakaroon ng mga hadlang sa releasing ng dokumento, ay kailangang malaman rin ng employer, upang maiwasan ang kaukulang parusa sa employer sa pagtanggap sa isang dayuhang walang balidong permit to stay. Ipinapaalala na ang angkop na kaparusahan, kung mapapatunayan ang krimen, ay ang pagkakabilanggo mula 6 hanggang 3 taon at isang multa katumbas ng € 5.000  para sa bawat tatanggaping dayuhan (Artikulo 22 , talata 12 ng D.Lgs  286/98 ) .
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Piña-Abaca-Banana Go to Rome

Assegno dei comuni per I nuclei familiari numerosi para sa mga non-EU nationals na rin