in

Nagiging Italian citizen din ba ang mga anak ng naturalized Italian?

Ako po ay isang naturalized Italian na. Mayroon akong 2 anak na menor de edad, ngunit hindi sila naninirahan sa Italya. Sila po ba ay nagkaroon din ng Italian citizenship?

Batay sa artikulo 14 ng batas sa citizenship n. 91/92 ang mga anak na menor de edad ng mga naging Italian citizens ay nagiging mamamayang Italyano rin kung naninirahan kasama ang magulang. Ang artikulo 12 ng D.P.R. 572/93 ay naglilinaw na ang pagiging kapisan ay kailangang tunay at pinatutunayan ng mga angkop na dokumentasyon.

Ito ay nangangahulugan, ayon sa kasalukuyang batas, ang pagiging naturalized italian ng mga minors na anak ay nagaganap awtomatiko, bilang karapatan, matapos maging Italian citizen ng magulang, kung kasama o kapisan ito.

Samantala, kung hindi nagpatuloy ang paninirahan ng anak at magulang sa iisang tirahan, dahil sa pagbalik ng menor de edad sa Pilipinas, kahit kasama pa rin anak na menor sa Stato di Famiglia ay hindi magkakaroon ng italian citizenship.

Tandaan, batay sa regulasyon ng mga residente sa registry office anagrafe (D.P.R. 223/89), ang pagtatanggal sa listahan ng mga residente, samakatwid pati sa stato di famiglia, ng mga mamamayang dayuhan, ayon sa artikulo 11 ay magaganap kung mapapatunay ang pagiging irreperibile (o hindi na matagpuan) o sa kasong makalipas ang 6 na buwan mula sa expiration dateng permit to stay, ay hindi mare-renew ang dichiarazione di dimora abituale na obligadong gawin ng lahat ng residenteng dayuhan sa loob ng 60 araw makalipas ang renewal ng permit to stay(artikulo 7, talata 3 D.P.R, 223/98).

Ang pagtatanggal bilang residente ng anagrafe ay ipinahahatid sa pamamagitan ng isang komunikasyon sa Questura buhat sa Munisipyo sa loob ng 30 araw.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ferie o bakasyon ng mga colf, paano kinakalkula?

Mga Dapat Malaman Tungkol sa ULSER SA BITUKA