in

Nakatanggap ng notification na rejected ang renewal ng permit to stay, ano ang dapat gawin?

Ang notification ay isang mahalagang dokumetasyon at hindi dapat ipagpawalang bahala. Ang hindi pagbibigay halaga dito at hindi pagtugon ng tama ay maaaring maging dahilan sa pagpapaWalang-bisa sa permit to stay.  

Ang isa sa mga pinaka-trawmatiko na sitwasyon na maaaring pagdaanan ng isang dayuhan sa Italya ay ang makatanggap ng isang ‘Decree of rejection’ ng renewal ng permesso di soggiorno mula sa Questura.

Ito ay isang mahalaga dahil marami ang dayuhang nakakatanggap sa kasalukuyan.

Dahil dito ay ipinapaalala na bago pa man simulan ang proseso ng renewal o para sa first issuance ng permit to stay ay kailangang siguraduhin na ang bawat requirement ay nakakatugon sa hinihingi ng batas.

Dapat tandaan na maingat ang ginagawang pagsusuri ng awtoridad sa bawat dokumento at samakatwid ang kakulangan ng isang dokumento ay malaki ang magiging epekto sa proseso ng renewal.

Sa Italya, ang permesso di soggiorno ay ini-isyu sa dayuhan sa pamamagitan ng Questura na syang nagsusuri ng lahat ng mga requirements (batay sa uri ng permit to stay), tulad ng sapat na sahod, angkop na tahanan at ang mga dependent na miyembro ng pamilya. Bukod dito ay sinusuri rin ng awtoridad ang anumang reklamo at criminal case laban sa dayuhan. Kapag napatunayan ng Questura ang pagkakaroon ng isa sa mga nabanggit na balakid ay maaaring magpatuloy sa pagbibigay ng abiso “Avvio di Procedure Amministrativo” kung saan ipinagbibigay-alam sa dayuhan ang pagkakaroon ng problema sa dokumentasyon. Karaniwang nagbibigay ng 10 araw na deadline upang kumpletuhin ang kulang na requirements o ang ipaliwanag kung ano ang dahilan sa pagkakaroon ng criminal record.

Ang notification ay isang mahalagang dokumetasyon at hindi dapat ipagsawalang bahala. Sa kasamaang-palad marami ang hindi nagbibigay halaga dito at hindi tumutugon ng tama, hindi sapat o walang batayang legal kung kaya’t ini-rerekomenda na sa sinumang makakatanggap ng ganitong uri ng komunikasyon ay makipag-ugnayan sa isang abugado na tutugon sa notification ng naaayon sa batas.

Sa sandaling tumugon sa tawag na ito, ang Questura ay magpapatuloy sa mga susunod na araw o linggo at muling makikipag-ugnayan para sa konklusyon ng proseso.

Sa pagkakataong ang inilakip na requirement o ang paliwanag ay hindi tinanggap ng Questura upang magpatuloy sa renewal o issuance ng dokumento ay muling makakatanggap ng isang abiso kung saan nasasaad ang rejection o pagtanggi sa issuance ng permit to stay.

Sa pagkakataong tulad nito, isa lamang ang legal na paraan upang ito ay masolusyunan, maaaring sa TAR o sa Ordinary Civil Court, batay sa uri ng permit to stay.

Samakatwid ay paulit-ulit na suriin ang mga ilalakip na dokumento sa renewal ng permit to stay at alaming mabuti kung anu-ano ang hinihingi ng batas sa Italya.

 

 

ni: Avv. Fernanda Solrzano

www.studiosolorzano.it

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang Benepisyo ng Sapat na Pagtulog at Mga Tips Para sa Mahimbing na Tulog

Ilang Tips sa Pagtitipid at Pag-iimpok