Ang mga dayuhang mamamayan na expired ang permesso di soggiorno at nakapag-aplay ng renewal sa panahong itinakda ng batas (hanggang 60 araw matapos ang expiration), ay mayroong parehong karapatan katulad noong balido ang permesso di soggiorno.
In attesa del rilascio o del rinnovo del permesso di soggiorno, il lavoratore straniero può legittimamente soggiornare nel territorio dello Stato e svolgere temporaneamente l’attività lavorativa fino ad eventuale comunicazione dell’Autorità di pubblica sicurezza”
Art, 5 co. 9 ng TU Immigrazione
Nilinaw ng Ministry of Interior, sa Directive ng August 5, 2006, na habang naghihintay ng renewal ng permit to stay, ang dayuhang mamamayan ay:
- Maaaring makalabas at makabalik ng Italya, alinsunod sa mga probisyon ng batas (tingnan ang artikulo sa link na ito),
- Nananatiling may karapatan sa health assistance;
- Maaaring magpatuloy sa pag-aaral o kurso;
- Maaaring magpatuloy magtrabaho;
- Maaaring i-empleyo
- Kumuha ng drivers license;
- Magkaroon ng italian national IDo carta d’identità.
Health assistance o Assistenza sanitaria
Malinaw na nasasaad sa Batas DPR 334/2004 na kahit sa panahon ng renewal ng permesso di soggiorno ay hindi natitigil ang pagkakatala sa National Health Service. Samakatwid, ang mga dayuhang mamamayan ay patuloy ang karapatang matanggap ang pangangalagang pangkalusugan kahit nasa renewal ang dokumento.
Trabaho: Maaaring magpatuloy sa trabaho o ang magpalit ng employer
Kinikilala kahit ng INPS ang karapatan ng dayuhan na nauugnay sa trabaho sa panahon ng renewal ng permesso di soggiorno, tulad ng pagpapalit ng trabaho at samakatwid, ng employer.
Bukod dito, sa kasong mawalan ng trabaho, ang dayuhan ay maaaring mag-aplay ng unemployment benefit.
Carta d’identità: issuance o renewal habang nasa renewal ang permesso di soggiorno
Ang national ID o carta d’identità ay maaaring i-isyu ng mga Comune kung saan residente kahit sa dayuhang expired ang permesso di soggiorno, sa pagkakaroon ng patunay o resibo ng aplikasyon ng renewal ng permesso di soggiorno sa panahong itinakda ng batas.
Bukod dito, ang validity ng carta d’identità ay sampung taon at hindi na katulad ng validity ng permesso di soggiorno.