in

NASPI, dapat bang ideklara sa 730?

Tinatawag na Nuova Assicurazione Sociale per l’Impiego o NASPI ang monthly unemployment allowance para sa mga worker matapos mawalan ng trabaho kung nakakatugon sa mga itinalagang requirements. Ito ay natatanggap mula sa INPS, ang National Institute for Social Security ng Italy. 

Samantala, ang modello 730 naman ay ang taunang deklarasyon kung saan ipinapaalam sa Agenzia dell’Entrate ang natanggap na kabuuang sahod sa taong nagdaan. Bukod sa sahod, kasama sa deklarasyon ang mga dependent family members o ‘a carico’ at ang mga gastusin na deductible. 

Dapat bang ideklara ang Naspi sa 730? 

Marami ang nagtatanong kung kailangang ideklara ang natanggap na NASPI na sa 730. Ang sagot ay OO, ang NASPI ay dapat ideklara sa dichiarazione dei redditi.

Ngunit bago ang lahat, kailangan munang i-download ang CUD mula sa website ng INPS

Tandaan na ang NASPI ay itinuturing na taxable income. Ang pagdedeklara nito nang tama sa 730 ay pagtupad ang isang mahalagang obligasyon at naiiwasan ang mga problema sa Agenzia dell’Entrate.

Bukod sa nabanggit, ang pagdedeklara sa pagtanggap ng NASPI ay maaaring makaapekto sa pangkalahatang sitwasyon sa buwis (kasama ang iba pang kita). Kung mayroong iba pang kita o anumang ‘detrazione’, ang NASPI ay maaaring magkaroon ng epekto sa buwis o sa tax relief o tax refund kung saan maaaring maging kwalipikado. 

Samakatwid, mahalagang isama ang pagtanggap ng unemployment benefit sa paggawa ng tax return upang matiyak ang pagsunod sa kasalukuyang mga regulasyon sa buwis at upang maiwasan ang anumang multa sa hinaharap. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Carta Risparmio 2023, narito ang mga dapat malaman

KORO HIRAYA, isang matagumpay na pagtatatanghal sa Milan