in

Natanggal sa trabaho, ano ang matatanggap na tulong mula sa gobyerno? Ano ang NASPI? 

Ang NASPI (Nuova Assicurazione Sociale per l’Impiego) ay ang tulong mula sa gobyerno o unemployment benefit para sa mga manggagawa na hindi sinasadyang nawalan ng trabaho (samakatwid hindi dahil sa pagbibitiw) at samakatwid ay unemployed. 

Sino ang makakatanggap ng NASPI? 

Makakatanggap ng NASPI ang mga manggagawang may subordinate employment contract kabilang ang mga apprentices, working members ng mga Cooperatives na mayroong subordinate employment contract, artistic personnel na mayroong subordinate employment contract at temporary employees sa public administrations.

Ang pagkakaroon ng regular na permesso di soggiorno ay nagpapahintulot sa mga dayuhang manggagawa na makatanggap ng mga benepisyo sa bansa katulad ng mga Italians, kasama dito ang unemployment allowance sa kasong matanggal sa trabaho. 

Tanging exemption ay ang mga non-EU workers na may permesso di soggiorno per lavoro stagionale, na mayroong ibang regulasyon. 

Gaano katagal kailangang magtrabaho para makapag-aplay ng unemployment allowance?

Ang mga nakapagtrabaho ng hindi bababa sa 30 araw sa nakalipas na 12 buwan ay maaaring makapag-aplay ng NASPI. At ito ay maaaring i-aplay sa loob ng 1 taon mula mawalan ng trabaho.

Bukod dito, ay kailangan din ang hindi bababa sa13 linggong kontribusyon sa huling 4 na taon.

Gaano katagal matatanggap ang Naspi at ano ang halaga nito?

Ang unemployed ay may karapatang tumanggap ng NASPI sa panahong kinalkula batay sa kontribusyong binayaran sa huling 4 na taon, at ito ay katumbas ng kalahati ng kabuuang bilang ng mga linggo ng kontribusyon sa huling 4 na taon.

Samakatwid, ang halaga ng NASPI ay nag-iiba batay sa kontribusyon na naipon at sa sahod ng manggagawa. Ang halaga ng Naspi ay katumbas ng 75% ng average monthly salary sa huling 4 na taon. 

Paano mag-aplay ng Naspi at gaano katagal? 

Para matanggap ang Naspi, una sa lahat ay dapat na walang trabaho, at ito ay involuntary at kailangang gawin ang deklarasyon, ang DID o dichiarazione di immediate disponibilità

Ang aplikasyon ay dapat na isumite online sa INPS. Maaari ring lumapit sa patronato, sa panahong hindi lalampas sa 68 araw mula sa pagwawakas ng trabaho. (Atty. Federica Merlo)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

Assegno Nucleo Familiare 2022, sino ang makakatanggap? 

Magkano ang minimum wage sa mga bansa sa Europa?