in

Natanggal sa trabaho, kailangan bang magpatala sa Centro per l’Impiego?  

Oo, lahat ng mga dayuhan na regular na naninirahan sa Italya – Europeans at non-Europeans – katulad ng mga Italians, ay kailangang magpatala sa Centro per l’Impiego (o Employment Center), sakaling mawalan ng trabaho. 

Sa katunayan, sa artikulo 37 ng implementing rules ng Testo Unico Immigrazione ay malinaw na nasasaad na kung sakaling mate-terminate sa trabaho ang dayuhang manggagawa:

  • ay ipagbibigay-alam ito ng employer sa Sportello Unico Immigrazione (Prefettura) at Centro per l’Impiego sa loob ng 5 araw;
  • ang worker, kung nais na ipaalam ang kanyang pagkawala ng trabaho, ay maaaring magpatala sa Centro per l’Impiego sa loob ng 40 araw mula matanggal sa trabaho (licenziamento) at magbigay ng “Dichiarazione di Immediata Disponibilità” o DID para sa bagong hiring.

Bakit kailangang magpatala sa Centro per l’Impiego? Paano? 

Sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa Centro per l’Impiego, ang mga dayuhang mamamayan, tulad ng mga Italians, ay magkakaroon ng access sa mga kinikilalang benepisyo tulad ng Naspi, kung sakaling mawalan ng trabaho at ang makahanap ng trabaho kapag walang trabaho, kapag nawalan ng trabaho o kapag gustong palitan ang trabaho. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatala sa isang database.

Para makita ang employment status sa kasong mawalan ng trabaho ay kailangang:

  • magsumite sa kinasasakupang Centro per l’Impiego ng DID o Dichiarazione di Immediata Disponibilità;
  • magpatala sa database ng employment center kung saan makikita ang professional profile upang makatulong sa paghahanap ng trabaho;
  • pagkatapos ay ang pagbibigay ng “service agreement proposal” o ang kasunduan kung saan nasasaad na ang aplikante ay magsusumikap na lumahok sa iba’t ibang initiative ukol sa paghahanap ng trabaho tulad ng mga formation courses, paghahanda sa mga job interviews, pagtanggap ng job proposal na naaayo sa sariling professional profile. 

Ano ang deadline sa pagpapatala ng mga dayuhan sa Centro per l’Impiego? 

Ang dayuhan, na nais na ipaalam ang kanyang unemployment status, ay kailangang gawin sa loob ng 40 araw ang dalawang deklarasyon:

  • ang una ay nagpapatunay sa katatapos lamang na trabaho;
  • ang pangalawa ay ukol immediate availability para magsimula ng trabaho o ang DID.

Gayunpaman, mahalagang malaman na ang validity ng pagpapatala sa Centro per l’Impiego ay katulad ng validity ng permesso di soggiorno. (Atty. Federica Merlo)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 3.5]

Pinoy seaman, patay sa Ortona

23-anyos na Pinoy, nasawi sakay ng monopattino