Magandang umaga, ako ay nagsumite ng aplikasyon ng family reunification ilang buwan na ang nakakalipas. Kaninang umaga ay natanggap ko ang ‘preavviso di rigetto’. Ano po ang dapat kong gawin?
Roma, Hunyo 30, 2016 – Ang preavviso di rigetto o rejection advance notice, na ibinibigay batay sa artikulo 10bis ng Batas 241/90, ay hindi awtomatikong pagtanggi sa aplikasyon. Ang komunikasyong ito ay ipinadadala sa aplikante ng tanggapang bago pormal na gumawa ng ganap na pagtanggi sa aplikasyon.
Ito, samakatwid, ay isang abiso ng awtoridad na ipinapadala sa aplikante upang abisuhan na mayroong hadlang sa aplikasyon. Maaaring kakulangan ng dokumentayson o impormasyon, ang posibleng dahilan ng pagtanggi kung ang aplikante ay hindi patutunayan ang pagkakaroon ng mga requiremenst na hinihingi ng batas.
Sa loob ng 10 araw mula ng matanggap ang abiso, ang aplikante ay may karapatang magsumite ng komunikasyon lakip ang kinakailangang dokumentasyon na nagpapatunay sa mga requirements.
Tandaan na matapos ipadala ang advance notice, ang panahong dapat igugol para matapos ang proseso ng aplikasyon ay pansamantalang nahihinto. Matapos lamang isumite ng aplikante ang kakulangang dokumento magsisimula muli ang palugit na nasasaad sa batas upang tuluyang matapos ang proseso nito.
Kung ang aplikante ay hindi magpapadala ng anumang komunikasyon sa loob ng 10 araw matapos matanggap ang advance notice, ang awtoridad ay magpapatuloy sa pagtanggi o rejection ng aplikasyon. Ang dahilan ng pagtanggi ay kung mapapatunayan o hindi ng aplikante ang pagkakaroon ng mga requirements. Gayunpaman, kung tuluyang tatanggihan ang aplikasyon ay maaari pa ring mag-apila ang aplikante sa awtoridad na nasasaad sa komunikasyon, sa tulong ng isang abugado.
Mangyaring tandaan na sa kasong ang hadlang sa aplikasyon ay sanhi ng administrasyon, para di-masunod o maantala sa pagbibigay ng komunikasyon, ay hindi ito maaaring tanggihan dahil ang pagkukulang ay hindi direktang naka-dipende sa aplikante.
Bilang pagtatapos,tandaan rin na sa kawalan ng preavviso di rigetto, ay hindi maaaring tuluyang tanggihan ng awtoridad ang aplikasyon dahil hindi nabigyan ng pagkakataon ang aplikante para sa anumang komunikasyon o maisumite ang kinakailangang dokumento upang ito ay i-proseso.