in

Nawalan ako ng trabaho. Paano na ang aking permit to stay?

Ako ay isang Filipina at nalalapit na ang expiration date ng aking permit to stay.  Nawalan ako ng trabaho. Ano ang maaari kong gawin upang manatili sa Italya, maaro ko bang i-renew ang aking permit?

altDisyembre 15, 2011 – Ayon sa artikulo. 22 talata 11 ng T.U.sull'immigrazione ay hayagang nasasaad na ang pagkawala ng trabaho ay hindi dahilan sa pagpapawalang-bisa ng permit to stay. Ito ay sumasaklaw hindi lamang sa may-hawak ng permit to stay para sa trabaho, kundi pati na rin sa mga miyembro ng pamilya na kapisan at legal na naninirahan sa Italya na may permit to stay para sa dahilang pamilya.

Sa duration ng permit to stay, ang Filipina ay maaaring humanap ng bagong trabaho o magsimula ng isang negosyo, tulad ng pagbubukas ng phone center o isang grocery store. Sa renewal samakatuwid, ay dapat, patunayan sa pamamagitan ng mga documentasyon ang bagong trabaho o ang self-employement.

Ang problema gayunpaman, ay kung ang Filipina ay hindi makakahanap ng anumang trabaho bago sumapit ang expiration ng kanyang permit to stay. Ang batas, sa kasong ito, ay ipagkakaloob ang karapatan upang humiling ng isang permit to stay habang naghihintay magkaroon ng bagong trabaho.

 

Upang makapag-apply ng ganitong uri ng permit to stay ay dapat na nakarehistro sa listahan ng Employment Center (o Centro per l’Impiego). Kinakailangan ding balido pa ang permit to stay upang makapag-parehistro. Kung kaya’t ipinapayo ang pagrereport sa Employment Center na sumasakop sa tirahan at ang pagpaparehistro sa lista di mobilità kapag nawalan ng trabaho. Ang mga dokumentasyong kinakailangan ay ang mga sumusunod:

  • Personal ID
  • Fiscal code
  • Valid Permit to stay

Matapos ang pagpaparehistro, ang Employment Center ay mag-iisyu ng isang sertipiko na dapat ilakip sa renewal ng permit to stay para sa motibo ng paghahanap ng panibagong trabaho (attesa occupazione).

Sa loob ng 60 araw matapos ang expiration ng permit to stay para sa trabaho at ang Filipina ay hindi pa nakakahanap ng panibagong trabaho ay maaaring hilingin ang conversion mula sa permit to stay para sa trabaho sa permit to stay para sa paghahanap ng trabaho.

Isusumite ang application sa pamamagitan ng kit na maaaring ipadala sa anumang Sportello Amico ng iba’t ibang post offices.

Ilalakip sa Modulo 1 at 2 ang kopya ng unang pahina ng pasaporte, kopya ng permit to stay, kaukulang dokumentasyon ng tirahan, kopya ng sertipiko buhat sa Employment Center.

Ang operator naman ay magbibigay ng isang resibo ‘assicurata’ , na balido tulad ng dating cedolino, na syang panghahawakan ng Filipina bilang katibayan. Ipaaalam din ng operator sa Filipina ang araw at oras ng kanyang appointment sa Questura para sa fingerprint at para sa presentasyon ng mga orihinal na dokumentong inilakip sa kit.

Ang iri-release na permit to stay ay balido lamang ng anim na buwan at hindi maaaring i-renew. Maaari lamang itong i-convert muli sa isang permit to stay para sa trabaho kung makakahanap ng panibagong trabaho ang Filipina sa loob ng anim na buwan.

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

KC, wala na sa Star Magic

Security Law, binawasan muli ng Consulta