Kahit tinanggal na ang kontribusyon para sa issuance at renewal ng permit to stay, ang dokumento ay hindi libre at nananatiling mayroong dapat bayaran.
Ang buwis na mula 80 hanggang 200 euros para sa releasing at renewal ng permit to stay ay tinanggal na. Ito ay matapos magbigay ng desisyon ang Council of State noong Oktubre 26 at mabilis namang nag-assess ang Ministry of Interior at kinumpirma ang tuluyang nagtanggal dito sa pamamagitan ng isang Circular sa mga Questure.
Gayunpaman, ito ay hindi nangangahulugan na permit to stay ay libre. Dahil nananatiling mayroong dapat bayaran. Magkano?
Una sa lahat, ay kailangang bayaran ang printing ng electronic residence permit ng 30,46 euros (ang presyo ay bahagyang tumaas noong nakaraang Abril). Ito ay binabayaran sa pamamagitan ng bollettino postale sa conto corrente n. 67422402 na payable sa Ministry of Economy and Finance bilang “halaga ng releasing ng electronic permit to stay”.
Ang aplikasyon ng releasing o renewal na isinusumite sa Poste Italiane, sa pamamagitan ng kilalang kit, kung saan ididikit ang isang revenue stamp na nagkakahalaga ng 16 euros. Sa pagtatapos, ay babayaran ng 30 euros ang Poste Italiane para sa serbisyo ng pagtanggap nito at pagpapadala ng kit sa Questura sa pamamagitan ng mga counters nito, batay sa kasunduan na pinirmahan ng Ministry of Interior halos sampung taon na ang nakakalipas.
Ang kabuuang halaga nadapat bayaran ng mga iigrante sa kasalukuyan 76.46 euros para sa releasing o renewal ng kanilang mga permit to stay.