Ito ay ang karaniwang katanungan ng maraming colf, caregivers at babysitters.
Sa domestic job ang employer ay maituturing na ‘partikular‘ kumpara sa ibang uri ng trabaho dahil maaaring ito ay pamilya o isang matanda na nangangailangan ng isang caregiver.
Sa katunayan, ang employer sa domestic job ay hindi kumakatawan bilang sostituto d’imposta o witholding agent at samakatwid ay hindi maaaring ipagbayad ng buwis ang worker sa pamamagitan ng pagkaltas nito sa sahod ng worker. At upang maging regular ang sitwasyong piskal ng worker, tulad ng lahat ng uri ng mga manggagawa, ay kailangang gawin ang ‘dichiarazione dei redditi’ na bukod sa nagpapahintulot na magbayad ng buwis ay nagpapahintulot kadalasan na matanggap ang tax refund tulad ng bonus Renzi na nagkakahalaga ng € 80.
Gayunpaman, hindi lahat ay kailangang gawin ang dichiarazione dei redditi katulad ng hindi lahat ay may karapatang matanggap ang bonus Renzi.
Kailan obligasyon ang dichiarazione dei redditi?
Ang dichiarazione redditi ay isang obligasyon sa kasong ang worker, kabilang ang colf, caregiver o babysitter, sa nakaraang taon ay tumanggap ng kabuuang sahod mula € 8,000 pataas.
Ang mga colf, caregiver at babysitter, dahil hindi withholding agent ang mga employer ay kailangang gawin ang Modello Redditi PF o modello 730, lagyan lamang ng X ang ‘assenza sostituto d’imposta’.
Samantala, sa mga workers naman na hindi lalampas sa € 8000 ang sahod sa nakaraang taon ay pinahihintulutan pa rin ang gumawa ng dichiarazione redditi upang matanggap ang anumang refund mula deduction ng mga carried na anak, health expenses at iba pa.
Dahil dito, ang mga employer ay kailangang magbigay ng Certificazione Unica o CU, ang sertipiko kung saan nasasaad ang kabuuang sahod na tinaggap ng worker sa naunang taon.
Anu-ano ang maaaring matanggap na refund?
Isa sa mga matatanggap na refund ay ang Bonus Renzi, ang € 80 kada buwan na natatanggap ng mga workers sa busta paga o pay slip. Sa halip, sa domestic job, ang workers ay hindi ito nakakatanggap mula sa employer bagkus sa pamamagitan ng dichiarazione redditi gamit ang 730 senza sostituto d’imposta o ang modello Redditi PF.
Ang karapatang matanggap ang bonus na ito, sa pamamagitan ng tax deduction, ay nakalaan sa mga colf na tumatanggap ng kabuuang sahod na higit sa € 8,000. Samantala, ang mga colf na hindi aabot ang sahod sa halagang nabanggit ay hindi makakatanggp ng bonus dahil hindi obligadong gumawa ng dichiarazione at magbayad ng Irpef.
Sa sinumang may karapatan sa bonus ay matatanggap ang halagang € 960.00.
Bukod dito ay maaari ring ma-deduct ang mga healt expenses, renta ng apartment na rehistrado sa Agenzia dell’entrate, gastusin sa paaralan at sports ng mga anak at iba pa.
Aabot sa 19% ang maaaring ma-refund mula sa kabuuang gastusin ng worker, batay sa irpef at conguaglio na dapat bayarang buwis ng worker.