in

Obligasyon ba ang pagre-report sa Comune matapos ang renewal ng permit to stay?

Batay sa artikulo 11, talata c ng D.P.R. 223/89, ang lahat ng non-EU nationals na nakatala bilang residente sa Ufficio Anagrafe ng Comune, ay obligadong magreport sa Comune at muling ihayag ang aktuwal na tirahan. Ito ay tinatawag na dichiarazione di rinnovo di dimora abituale na ginagawa sa loob ng 60 araw matapos ang issuance ng bagong renew na permit to stay. 

Gayunpaman, dapat tandaan na sa panahon ng renewal, ang pagkakatala bilang residente ay hindi nawawala.

Sa katunayan, batay sa Regulasyon (Regolamento anagrafico della popolazione), makalipas ang 6 na buwan buhat sa expiration ng permit to stay, matapos ang gawin ang ilang pagsusuri, ang Comune ay magpapadala sa dayuhan, sa huling idineklarang tirahan, ng isang liham sa pamamagitan ng registered mail with return card, ng abiso ng kanselasyon dahil sa kawalan ng panibagong deklarasyon ng aktuwal na tirahan, kasabay ang paanyaya sa loob ng 30 araw na magtungo sa tanggapan dala ang pasaporte at ang renewed permit to stay.

Sa kasong balewalain ng dayuhan at hindi magtungo sa tanggapan sa loob ng panahong palugit, ang Comune ay magpapatuloy sa kanselaksyon bilang residente ng lungsod at isang komunikasyon sa Questura na hindi na matagpuan ang dayuhan sa huling idineklarang tirahan, o ang tinatawag na comunicazione di irreperibilità, ang ipapadala ng tanggapan.

Mahalaga, samakatwid, na igalang at sundin ang obligasyong ito, dahil ang kanselasyon bilang residente ay malaki ang magiging epekto sa pag-aaplay ng citizenship dahil kailangan dito ang sunud-sunod o walang patid na pagiging residente sa pananatili sa Italya. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4.5]

Third dose ng bakuna kontra Covid19, kakailanganin nga ba?

Isang libro ng mga likhang tula, Inspirasyon para sa mga kababayang Pilipino sa Italya