in

Obligasyon ba ng employer na bigyan ang colf ng mask at disposable gloves bilang proteksyon ngayong Fase 2?

Sa pagsisimula ng Fase 2 o ang tinatawag na New Normal, ay obligasyon sa bansang Italya ang paggamit ng mask at gloves tuwing lalabas ng bahay, partikular sa tuwing gagamit ng public transportation. 

Ang mga ito ay mahalaga para maproteksyunan ang mga sarili, pati na rin ang mga inaalagaan, matanda man o bata. 

Kaugnay nito, ang mga employers sa domestic job ay walang anumang obligasyon na bigyan ng mask, disposable gloves at anumang uri ng safety device ang mga colf, caregivers at babysitters, ayon sa Assindatcolf.

Sa katunayan, “ay walang anumang dokumento o batas na nagpapatunay ng mga obligasyon ng employer sa domestic job”, ayon pa dito. 

Dahil sa kawalan nito, sa simula pa lamang ng krisis pangkalusugan, ang Assindatcolf kasama ang ibang signatories ng CCNL sa sektor ay ilang beses humiling sa mga Institusyon na magbigay ng mga gabay at rekomendasyon kung paano matitiyak ang kaligtasan sa mga tahanan, upang higit na maprotektahan ang mga inaalagaan, matatanda o bata man, pati na rin ang manggagawa mismo. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sino ang mga itinuturing na ‘Disoccupato’?

Embahada sa Roma at Konsulado sa Milan, magbubukas simula Mayo 18. Ang mga detalye.