in

Ofw, nagpatayo ng bahay sa lupa ng kamag-anak sa Pilipinas. Sino ang may-ari ng bahay?

Ako po ay isang ofw sa Italya, nagpatayo ng bahay sa lupa ng aking tiyahin sa Pilipinas. Ano po ang aking dapat gawin ngayong hinihingi na ng tiyahin ko ang lupa?

Ang bahay na itinayo o anumang itinanim o inilagay sa lupa ng sinumang tao ay pag-aari ng taong rehistradong may-ari ng lupa.

Karaniwang problemang legal ng mga OFW ang pagpapatayo ng bahay sa lupana hindi nila pagmamay-ari. Meron tayong mga kababayan na OFW na may naipon na pera at nagpapatayo ng bahay sa lupa ng mga kamag-anak nila, kung minsan ay merong pahintulot at kung minsan naman ay walang pahintulot. Kung minsan naman ay pinapahiram ng kamag-anak ang lupa upang tayuan ng bahay na konkreto ng OFW. Kadalasan ay nagkakaproblema ang OFW dahil kung nagkakasamaan ng loob sila ng kamag-anak ay pinapaalis na ang bahay at hindi nalalaman kung ano ang gagawin.

Nasa Article 445 ng New Civil Code ang general rule na anuman ang itayo, itanim o ilagay sa lupa ng isang tao ay pag-aari ng may-ari ng lupa. Ayon sa Article 446, lahat ng ginawa sa lupa katulad ng bahay o mga tanim dito ay presumed o may sapantaha ang batas na ito ay ginawa ng may-ari ng lupa, maliban kung may pruweba o proof na ikaw ang gumastos dito. Kung kaya ang mga plano ng arketikto, building permit at resibo ng mga construction materials ay importanteng ebidensiya upang ipakita kung sino ang bumili nito.

Ang usual na tanong sa E-Lawyers Online ay kung sino ba ang may-ari ng bahay na tinayo ng isang tao sa lupa ng ibang tao. Depende kung may masamang intensiyon/walang pahintulot (bad faith) o mabuting intensiyon at pahintulot (good faith) ang nagpatayo ng bahay.

Nasa Art 448 na ang may-ari ng lupa ay may dalawang options kung ano ang gagawin sa bahay. Pwede niyang angkinin ang bahay na itinayo sa kanyang lupa pagkatapos niyang bayaran ang mga necessary expenses ng taong may mabuting intensiyon at pahintulot (good faith) na nagpatayo ng bahay o kaya bilihin sa kanya o pabayaran sa nasabing tao ang lupa. Kung mataas ang presyo ng lupa kaysa sa bahay at ayaw itong bayaran ng may-ari ng lupa, ang nagpatayo ng bahay ay magbabayad na lang ng renta at ang korte ang mag-aayos ng renta at period ng lease.

Kung may masamang intensiyon/walang pahintulot (bad faith) ang nagpatayo ng bahay, ayon sa Article 448 ng New Civil Code na ang bahay ay mapapapunta sa may-ari ng lupa at walang karapatan ang nagpatayo nito na singilin ang mga nagastos dito. Ang may-ari ng lupa ay pwedeng ipademolish ang bahay o pabayaran ang lupa sa nagpatayo nito ng walang pahintulot sa kanya ayon naman sa Article 450 at meron siyang karapatan na sumingil ng danyos o damages. (Atty. Marlon Valderamawww.e-lawyersonline.com)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pilipinas pinaghandaan ang EV-71

Mga colf, dapat bang mag-file ng dichiarazione dei redditi?