Magandang umaga, ako ay isang regular na dayuhan dito sa Italya. Ako ay palaging nanirahan kasama ang aking kaibigan, ngunit ngayon ay nakakita na ako ng apartment na uupahan. Sa kontrata ay nakasulat na ako rin ang magbababayad ng ‘oneri accessori’. Pwede ko po bang malaman kung ano ito? Tama po ba na ako ang magbayad nito?
Ang kontrata sa upa ng bahay (mas karaniwang tinatawag na affitto) ay naaayon sa Civil Code at Saligang Batas no. 392 ng 1978.
Ang Kontrata sa Upa
Sa kontrata sa Upa, ang dalawang parte ay parehong pumapayag na ang una (may-ari) ay paupahan ang kanyang apartment sa ibang tao (ang nangungupahan) para sa isang panahong itinakda, na karaniwan ay 8 taon (4 + 4 o ang ikalawang apat ay ang renewal). Sa ilang mga kaso at para sa mga partikular na pangangailangan, ang kontrata ay maaaring mas maikling panahon lamang. Sa pamamagitan ng pagpirma o pagkakaroong bisa ng kontratang ito, ang may-ari ay maaaring ipagamit ang apartment sa ibang tao (o nangungupahan) , na may kaukulang bayad o renta (na tinatawag din na canone).
Ang Oneri accessori
Bukod sa pagbabayad ng buwanang upa, ayon sa batas, ay responsibilidad ng mga taong umuupa ng bahay, ang mga karagdagang bayarin.
Ang mga ito ay tinatawag na “oneri accessori” detalyado sa Artikulo 9 ng Batas no. 392 ng 1978.
Ang artikulong ito ay naglilinaw na bukod sa renta, ay dapat bayaran ng umuupa ang gastusin sa paglilinis, elevator maintenance, tubig, koryente, heater o air condition kabilang din ang iba pang karaniwang serbisyo. Kung sa gusali ay mayroong tagapangasiwa (o portiere), ang gastos sa serbisyo nito ay sasagutin ng nangungupahan hanggang 90 porsyento, ngunit maaaring pagkasunduan ang mas mababang porsyento at mas maayos na hatian.
Maliwanag mula sa mga nakasulat na tuntunin, ang nangungupahan ay magbabayad ng mga serye ng serbisyo, na siya mismo ang tumatanggap.
Kung ang mga bills at mga invoice ng koryente, gas at iba pang mga singilin ay hindi dumarating sa bahay na inuupahan sa halip ay dumarating sa bahay ng may-ari ng apartment, bago bayaran ang mga ito, ang umuupa ay may karapatang alamin ang detalye ng mga ito at makita ang bawat resibong pagbabayaran. Ang pagbabayad ay dapat na gawin sa loob ng dalawang buwan mula sa araw ng abiso ng may-ari ng apartment.Ang hindi pagbabayad sa mga singilin (oneri accessori), kung ang halagang babayaran ay lumampas na ng dalawang buwan ng upa, ay maaaring magresulta ng termination ng kontrata at ang umpisahan ang pagpapalayas (sfratto) ng may-ari ng apartment sa nangungupahan.
Ang patakaran ay nagbibigay din sa dalawang parte ng pagkakataong magkasundo sa bayarin, dahil ito ay isang ugnayan sa pagitan ng dalawang indibidwal at ibinibigay ang kalayaan sa kontrata. Ang pagkakataong iregular ang mga bayarin, sa kontrata ay hindi walang limitasyon, at kailangang tandaan na ang Artikulo 79 ng Batas ay ipinagbabawal ang mga kasunduan (na kung sa kasalukuyang kontrata ay nakasulat ay walang bisa) na ipataw sa umuupa ang higit na gastusin.
Gastusin sa Administrator
Kung ang apartment na rerentahan ay isang condominium, ang kabayaran sa Administrator ay ang may-ari ang magbabayad. Ngunit ang dalawang parte ay maaaring magkasudo: halimbawa, maaaring paghatian ang bayarin, dahil ang ginagampanang trabaho ng Administrator ay para sa interes ng nangungupahan.
Alamin natin ang pagkakaiba ng gastusin (oneri accessory) at bayarin sa kondominyum (oneri condominiali).
Ang buwanang bayad sa condominium ay binabayaran ng lahat ng nakatira sa gusali (proporsyon sa quota tinutukoy sa angkop na talahanayan) para sa maintenance at para sa serbisyo ng lahat. Ang buwanang pagbabayad sa mga condo fees ay ang may-ari ang magbabayad.
Ang mga oneri accessori ay binabayaran ng nangungupahan sa may-ari dahil sa paggamit ng mga serbisyo (tubig, kuryente, gas).
Ang mga oneri accessori ay maaari ring isama sa oneri condominiali (tulad ng paglilinis, ng pagpapanatili ng mga serbisyo, ng elevator). Sa kasong ito, ang nangungupahan ay dapat magbayad sa serbisyong ito sa may-ari bilang oneri accessori , at ang may-ari ang magbabayad sa Condominium bilang oneri condominiali.
Sa pagpirm ng kontrata sa upa, ang payo ay gawing malinaw at nakasaad ang lahat ng mga gastusin na dapat bayaran ng nangungupahan, gayun din ng may-ari, upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan na maaaring humantong sa hukuman.